Unedited...
Kaitlyn's POV
Pagkagising ko, agad akong naligo at nagbihis. Alas onse na pala. Hindi talaga ako nagpa-alarn dahil wala kaming pasok ngayong umaga dahil may seminar ang prof namin kaya panghapon lang ang klase namin ngayon. Ang sarap pa ng tulog ni Orange kaya hindi ko na ginising pa. Ininit ko na lang sa microwave ang nilagang niluto niya kagabi.
"Orange?" tawag ko at lumapit sa kanya. Parang batang nakayakap siya sa unan kaya nagkaroon ako ng chance na pagmasdan siyang maigi. Ang tangos ng ilong nito, mahaba ng pilikmata at mapupula ang mga labi. Kahit na natutulog, ang gwapo pa rin nito.
Iniangat ko ang kanang kamay ko at hinaplos ang pisngi niya saka dahan-dahang ini-trace ang ilong niya gamit ang daliri ko."Are you done?"
Napatayo ako nang magmulat siya ng mga mata.
"Gusto lang kitang gisingin," sabi ko at iniwas ang mga mata lalo na nang ngumiti siya na para bang alam nitong may ginawa akong kalokohan.
"Inaantok pa ako, Kaitlyn," sabi nito.
"Hmm? Alas dose na," sabi ko. "Wala ka bang pasok?"
"Hindi ako papasok ngayon," sagot niya at naupo. "Masakit ang ulo ko."
"Inom ka kasi nang inom!" sabi ko.
"Dalawa lang naman 'yun. Umuwi rin ako agad, 'di ba?"
"Nag-away ba kayo ni Steffi at umuwi ka agad?" tanong ko.
"Oo," sagot nito. Sabi ko na nga ba eh!
"Bumangon ka na!" inis na sabi ko at tinalikuran siya pero agad niyang nahawakan ang kamay ko at hinila pabalik kaya napaupo ako sa kandungan niya.
"Hey!" nagpupumiglas ako pero niyakap niya ako nang mahigpit. "Ano ba?"
"Joke lang. Di ka na mabiro," sabi niya saka isiniksik ang mukha sa leeg ko.
"Kahit na hindi pa joke, wala akong pakialam!"
"Hmm? Umuwi ako agad kasi alam kong masama ang pakiramdam mo," sabi nito at tinusok ang tagiliran ko kaya napaliyad ako.
"Ano ba! Orange!" tili ko pero ang higpit ng pagkakayapos nito habang patuloy sa pagkiliti sa akin sa tagiliran. "Kyah! Stop! Tataaaay!" sigaw ko. "I c—can't! Stop it!" nagwawala na ako pero hindi pa rin ako makawala. "I said, s—stop it! Orange!" malakas na tili ko sabay kagat sa braso niya. Gigil na gigil ako kaya never ko talagang binitiwan. Bahala na kung bumaon ang ngipin ko.
"Okay, okay," pagsuko niya saka pinakawalan ako at mahinang tinulak. "Shit! Bampira ka ba?"
"Wag mo nang ulitin 'yon!" galit na sabi ko saka tumayo.
"Opo, Kaitlyn," pagpayag nito kaya tinalikuran ko siya.
"Kyah!" tili ko nang pahabol na tinusok niya ang tagiliran ko. Sa sobrang inis, dinampot ko ang unan saka pinaghahampas siya.
"Okay, okay na. Hindi na, promise," natatawang sabi niya.
"I hate you!" bulyaw ko saka binato ng tsinelas pero nasalo niya.
Lumabas ako at dinampot ang shoulder bag para lumabas na ng bahay.
Nagulat ako nang makita ang mga pulis sa tapat ng bahay ko. Shit! Alam na ba ni Tatay?
"Miss?" tawag ng isang pulis nang lapitan ako.
"Y—Yes po?" kinakabahang tanong ko.
"May tatanong lang kami," sabi nito at may tiningnan sa cellphone. "Nakita mo ba 'to?" tanong niya at pinakita sa akin ang litrato ni Orange kaya bigla akong kinabahan. May ginawa ba siyang mali kagabi kaya siya umuwi agad? Hala! Nakapatay ba siya?
BINABASA MO ANG
In A Secret Relationship?
HumorHER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kanya pero biglang nagbago ang lahat nang may nangyari sa kanilang dalawa. Paano niya ipaliwanag sa mga...