Unedited....
Kaitlyn's POV
"Bumalik ka na sa unit mo!" pagtataboy ko. Dalawang araw ko nang tinatakwil to pero ayaw pa rin matulog sa unit niya.
"Ano ba ang problema mo, Kaitlyn?"
"Wala!" sagot ko.
"Psh! Kumain ka na nga. Baka gutom lang 'yan. Nakapagluto na ako ng sweet and sour na isda, kain na tayo," yaya nito. Sana all may time na magluto. Dalawang araw na rin kasing hindi siya pumapasok dahil sa nangyari sa pisngi nito.
"Wala akong gana."
"Maghapon akong nag-isip kung anong ipapakain ko sa 'yo tapos tanggihan mo lang?" reklamo niya sabay buhat sa akin.
"Baba mo 'ko!"
"Kakain na tayo!" anito na naglakad patungo sa dining room. "Sige, gumalaw ka at matutumba tayo."
Hindi na ako gumalaw at hinayaan ko siyang iupo ako sa silya.
"There! Kumain ka dahil ipinagluto kita. Pasalamat ka nga pinagsisilbihan pa kita," sabi nito at nilagyan ng kanin at ulam ang plato ko. "Oh, ubusin mo 'yan ha."
"Hindi ka naman pumapasok kaya dapat lang na magluto ka," depensa ko.
"Papasok na ako bukas," sabi nito at maganang kumain.
Ganoon na nga siguro niya kamahal si Steffi para palagpasin ang kapatid nito.
"Ano ba ang dahilan kung ba't ka niya sinuntok?" tanong ko kaya napatigil siya sa pagkain at tinitigan ako. "Okay lang kung hindi mo sabihin sa akin. Private life mo 'yan."
"I made a mistake," pag-amin nito. "Masyado siguro akong careless kaya hindi ko sinasadyang magkaroon ng bad impression sa kanya."
"Deserve mo naman na suntukin!" sabi ko.
"What? Asawa ba talaga kita?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Hindi na kapag magpa-annul tayo!"
"Heto na naman tayo," sabi nito sabay rolled eyes.
"At least malaya ka nang aminin sa lahat ang relasyon ninyo ni Steffi!" sabi ko. Nagulat ako nang pabagsak na inilapag niya ang kutsara. "Ano? Galit ka?" itinaas ko ang kanang kilay ko para malaman niyang hindi ako natatakot sa kanya.
"Oo!"
"Madali akong kausap, Orange. Kapag mahal ninyo ang isa't isa, handa akong ibigay ang kalayaan ninyo. Walang problema sa akin. Sino ba naman ako para hadlangan ang pagmamahalan ninyo?" sabi ko. Gusto ko na talagang bumalik sa normal ang buhay ko. Mas okay pa dati na bantay-sarado ako ng bodyguards at least wala akong iniisip na asawa at reputasyong ano mang oras ay maaaring masira.
Tumayo siya saka lumapit sa akin. Yumuko siya at pinaharap sa akin ang upuan saka itinukod ang dalawang kamay sa arm chair.
"Bakit nakakaamoy ako ng selos?" pabulong na sabi niya na nakatitig sa akin ang mga mata.
"Pinagsasabi mo?" inis na tanong ko. "Ako? Magseselos?"
"Hindi ba?" tanong niya.
"Excuse me! Bakit naman ako magseselos? Kung gusto mo, doon ka na sa kanya tumira, ihatid pa kita!"
Inilapit niya ang mukha sa akin saka ngumisi. Kainis yung ganitong mukha! Sarap sapakin.
"Cute mong magselos!" sabi nito sabay pitik ng noo ko.
"Hindi nga ako nagseselos!" ubod-lakas na sigaw ko sabay tulak sa kanya.
"Okay," pagsuko niya sabay taas ng dalawang kamay. "Hindi ka na nagseselos." Bumalik siya sa upuan saka ipinagpatuloy ang pagkain. Nawalan na ako ng gana kaya inubos ko na ang nasa plato ko at iniligpit ang pinagkainan kahit na hindi pa siya tapos kumain.
BINABASA MO ANG
In A Secret Relationship?
HumorHER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kanya pero biglang nagbago ang lahat nang may nangyari sa kanilang dalawa. Paano niya ipaliwanag sa mga...