Kaitlyn's POV
"Gagawa ka ba ng commercial mamaya?" tanong ni Orange. "Sure ka na ba?"
"Oo, gusto ko," sagot ko. Nakapirma na ako ng kontrata kahapon. Sa pamilya namin, ako lang yata ang ma-expose nang bongga sa showbiz. Usually, walang Arguela na madalas mag-explore. Oo, si Elias ay nagmo-model ng damit pero sa company lang namin at hindi siya part ng entertainment industry gaya ng mapanood sa TV, etc.
"Masyadong magulo ang mundo ng showbiz, Kaitlyn."
"TV commercial lang naman," sabi ko. Shampoo ang imo-model ko at nabasa ko na ang isend nilang script kaya okay lang naman.
"Pero maraming manager ang magiging interesado sa 'yo."
"Ba't di mo na lang kaya ako hayaan sa gusto ko?" inis na sabi ko.
"Fine! Ang akin lang, kung gipit ka sa pera, mabibigyan naman kita. Ibigay mo sa akin ang bank account mo," sabi nito.
"Hindi ko kailangan ang tulong mo!"
"Okay! But here!" sabi niya sabay abot ng credit card. "No limit 'yan kaya malaya kang gamitin ang credit card ko."
"No, thanks!" sabi ko.
"Kapag ma-bully ka mamaya sa set, tawagan mo ako," sabi nito.
"Kaya ko ang sarili ko!" sabi ko. Panahon na para mamuhay akong mag-isa at maghanap ng pera ngayong nalugi na ang kompanya namin. Sobrang bagsak na rin ang net ng kompanya dahil wala nang gaanong bumibili sa paninda namin kaya kailangan ay may extra income ako at savings ako.
"Psh! Basta ingat ka kasi sa ganyang trabaho, marami ang naninira ng career para umangat," sabi nito.
"I know!" inis na sagot ko. "At please, 'wag kang makialam sa trabaho ko. Hayaan mo ako sa buhay ko," pakiusap ko.
"Hindi naman kita pinagbawalan," sabi nito.
"Ano nga pala ang balita sa marriage certificate mo na kumalat?" usisa ko.
"Ayun, kalat na kalat na."
"Any progress sa investigation?" tanong ko.
"Wala pa nga e. Hindi ko alam kung sino ang naglabas nun in public."
"Okay lang naman na lumabas basta hindi na lumabas ang totoo. Okay na 'yun na si Steffi ang isipin nila na asawa mo."
"What the—" napatigil siya sa pagsalita at masamang nakatingin sa akin. "Talagang wala kang pakialam, ano?"
"Ayaw ko ng issue," sabi ko.
"Do you think may makakapigil sa kanya na ilabas ang copy nang hindi natatakpan ang pangalan mo?" tanong niya. Naisip ko na rin 'yan at kada araw sa paggising ko iyon ang kinakabahan ko. Lalo na't hindi alam nina Tatay na kasal ako o konektado ako sa mga Villafuerte.
"Please, ayaw kong lumabas kaya do your best para mahanap kung sino man ang may kopya. Tingin ko isa sa mga empleyado ng NSO," sabi ko.
"Tingin mo?"
"Yep. Or isa sa mga tauhan mo na may alam tungkol sa atin pero mas may posibilidad na employee talaga sya ng NSO. Binayaran lang," sabi ko.
"Maybe," aniya. "Hayaan mo, isa-isahin ko sila."
"Thanks," pasalamat ko.
Lumabas na ako at pumasok sa Westbridge.
"Sana all kasal na," sabi ni Rose Ann kaya lumapit ako sa kanya habang tumitingin siya sa cellphone.
BINABASA MO ANG
In A Secret Relationship?
HumorHER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kanya pero biglang nagbago ang lahat nang may nangyari sa kanilang dalawa. Paano niya ipaliwanag sa mga...