35

5.8K 279 86
                                    













********KAITLYN'S POV*********















Nakaupo ako sa sala habang kumakain ng chocolate dahil may nakita ako sa ref na bagong lagay.

"Kapagod," reklamo niya saka naupo sa tabi ko. Naramdaman ko ang pag-akbay niya kaya umusod ako palayo sa kanya pero umusod siya palapit sa akin kaya umurong ulit ako palayo hanggang sa nasagad ko na sa gilid ng sofa.

"Ano ba? Ang lapad ng sofa!" reklamo ko sabay tulak sa kanya palayo.

"Ba't ka ba lumalayo?"

"Umurong ka!" utos ko.

"Ayaw ko."

"Orange! isa!" pagbilang ko.

"Dalawa," pagbilang din niya kaya napabuntonghininga ako. Hindi na ako nakipagtalo pa. Inubos ko ang chocolates na hawak ko.

"Inubos mo lahat?"

"Bawal ba?"

"Hindi naman," sagot niya. "Kung gusto mo pa, pabilhan kita. Nasa Norway pa ang pinsan ko."

"Wag na," sabi ko. Minsan lang naman ako kumakain ng chocolates, kapag masakit ang puson ko.

"Mayroon ka na ba?" tanong niya.

"Pakialam mo?"

"Hey, delayed ka na," sabi niya. "One week na."

"So?"

"Hindi kaya—"

"Mayroon na ako, Orange!" sabi ko.

"Seryoso?"

"Oo," sagot ko sabay hawak sa puson. Ang sakit eh.

"Wait, mag-init lang ako ng tubig," sabi niya saka tumayo at tumungo sa kusina. Pagbalik ay may hot compress na. "Oh. Kailangan mo ng painkiller?"

"No, tolerable naman," tanggi ko saka nilagay ang hot compress sa puson ko.

"Here," sabi niya sabay hila sa akin pahiga ng ulo sa binti niya. "Pahinga ka muna."

Hindi na ako tumanggi pa saka ipinikit ko ang mga mata. Pagod ako plus dagdagan pa ng menstruation ko. Pinaakyat pa ako nito sa rooftop kanina na ilang steps.

"Oh?" narinig kong wika niya dahil may tumawag sa kanya. "Ilang beses kong sabihin sa 'yo na hanapin mo ang nag-post ng video na iyon at higit sa lahat, yung punyetang paparazzi na kumuha ng litrato namin ni Steffi! Mamayang alas otso, magpapa-presscon ako. Sige na, bye."

Narinig ko ang pagbuntonghininga niya.

"Para saan ang presscon?" tanong ko na nakapikit ang mga mata.

"Linawin ko ang lahat," sagot niya. Hindi na ako nagtanong pa dahil hinihila na ako ng pagod ko.

"Hindi pa rin pala tayo nakabuo," may disappointment sa boses na sabi niya. Kung alam lang niya, nanaisin pa kaya niya akong maging asawa? Baka hindi na. Alam naman ng lahat na malaking pamilya talaga ang Villafuerte. Iiwan din naman niya ako. For sure kapag malaman niyang hindi ko siya kayang bigyan ng anak, siya mismo mag-apply ng annulment. Ewan. Di naman ako sure kasi hanggang ngayon, hindi pa rin kami nakabuo. Or baka nagco-control lang kami. Takot din akong magpa-konsulta lalo na't may problema rin si Tatay. Mababa ang spermcount niya kaya dalawa lang kaming magkapatid.

Nagising ako sa sala na may nakatakip na kumot sa akin pero wala na si Orange.













*******STEFFI's POV*********










In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon