Unedited...
"Hala! Gurl! Anong nangyari?" gulat na tanong ni Rose Ann nang puntahan ako. "Okay ka lang?"
"Hala, ikaw ba talaga nakalaban ni Steffi?" hindi makapaniwalang tanong ni Geen. "Nasa hospital siya."
Pagkatapos naming magreklamo kagabi, nanatili muna siya ng isang gabi sa kulungan pero nakapiyansa rin. At syempre hindi nakaligtas sa mga tsismoso' tsismosa sa soc-med at naka-blind item kami. Wala namang litratong lumabas pero ang problema ay may dalawang vlogger na nagsabing si Steffi ang nasa blind item at ikinuwento pa ang ganap pero iba-iba ang kwento.
"Oo. Pinasok kasi niya ako sa dressing room ko," sagot ko. "Kasama niya ang kaibigan niya. Saktong lumabas sina Alice kaya mag-isa lang ako."
"Ay, wow! Kapal ng mukha! Matapang kasi nag-iisa ka lang," gigil na sabi ni Rose Ann. "Subukan niya kaya na nandoon kami? Tingnan natin kung hindi siya ma-coma!"
Napangiti ako. Syempre sila talaga ang backup ko palagi.
"Buti at nahospital siya! Deserve niya gurl at higit sa lahat, hindi na mapakinabangan ang mukha niya," natatawang sabi ni Geen.
"Hayaan mo na siya. Buti nga at dumating si Orange," sabi ko. Kahit na naiinis ako pero malaki rin naman ang tulong ni Orange kagabi. Kung hindi siya dumating, baka ako ang nasa hospital ngayon.
"Pero balita ko magsasampa rin daw siya ng kaso sa inyo ni Orange," sabi ni Rose Ann.
"Trespassing sya at siya ang naunang nanakit sa akin, ano," sabi ko.
"Hmp! As if na kaya niyang kalabanin si Orange," sabi ni Geen.
"May proof naman kami," ani ko. "May copy na si Orange ng CCTV."
"Patingin," sabi ni Rose Ann kaya pinakita ko sa kanila ang CCTV.
"Ay, gurl! Siya talaga ang naunang nagsabunot sa 'yo at hindi naman nakialam si Orange. Nagpigil lang naman siya," ani Rose Ann. "Pero hahahahaha!" humalakhak siya ng tawa. "Sinadya ata ni Orange na bitiwan siya kaya natumba siya e."
"Bahala na," sabi ko pero wala rin siyang magawa dahil matatalo lang siya kapag magkaso siya. "Nakipag-usap ang abogado niya na iurong ang kaso."
"So, pumayag ka?" usisa ni Geen.
"Ayaw ni Orange," sagot ko.
"Ay, tuloy ang kaso?" ani Geen. "Bet!"
"Ayaw ni Orange na iurong ang kaso dahil malakas naman ang ebidensya naming siya ang sumugod at siya ang naunang nanakit," sagot ko. Kung ako lang, ayaw ko kasi na lumaki pa ang gulo. Kung pwede nga lang na magkalimutan na lang kami at wag nang magkita pa sa isa't isa.
"Dapat lang. Saan na pala si Hubby mo?" tanong ni Rose Ann at binuksan ang TV.
"Sa school pa. Pumasok siya e."
"Ah. Kailan ka papasok? Okay ka na ba?" tanong ni Geen.
"Bukas na. Okay naman ako. Hindi lang nakatulog dahil inabot na kami ng umaga sa police station."
"Oh my gosh! Nakakahiya na makulong si Steffi," natatawang sabi ni Rose Ann. "Ba't di na lang humingi ng patawad at may kaso pang nalalaman."
Ayun, nag-stay pa sila ng bahay pero nang dumating na si Orange ay umalis din.
"Masakit pa ba ang katawan mo?" tanong ni Orange na may dalang Magnum ice cream. "Sa seven eleven ko na lang 'yan binili."
"Hindi na masakit dahil nakatulog naman na ako nang maayos," sagot ko at binalatan ang ice cream saka kinain dahil kanina pa ako naghahanap ng ice cream pero naubos na pala nina Rose Ann.
BINABASA MO ANG
In A Secret Relationship?
HumorHER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kanya pero biglang nagbago ang lahat nang may nangyari sa kanilang dalawa. Paano niya ipaliwanag sa mga...