Kaitlyn's POV
Nakakainis! Kailangan ko na namang maghintay ng period ko ngayong buwan. Ayaw ko na talaga! Bakit ba kasi may nangyari na naman sa amin? Hindi naman kami lasing. Kasalanan ko 'to eh!
"Ugh!" inis na sabi ko nang makitang tumatawag na naman si Orange.
Pumasok ako sa ice cream house para makipagkita kay Elias.
"Hello, Kait," tawag niya sabay kaway kaya napangiti ako.
"Hello, kas," bati ko sabay halik sa kanang pisngi. "Pogi natin ngayon a."
"Ngayon lang ba?"
"Always," sabi ko sabay taas ng kilay. Gwapo naman talaga si Elias. Kung hindi ko lang 'to pinsan, baka masabi kong isa ako sa mga fans niya. Ano pa ba ang hahanapin ko rito kung pisikal lang ang hahanapin ko? Isa pa, maalaga siya at masinop sa pera. Kumbaga trained na sya ni Tito Alas bilang tagapagmana ng kompanya nila. Pero bilang boyfriend? Tingin ko malabo. Hindi ko na-imagine na may girlfriend ito. Like, wala mang babaeng pinagkainteresan. Ako nga lang ang madalas nitong nakakasalamuha. He's my brother in another mother. Minsan magkatabi pa kaming natutulog. Nakasanayan na namin dahil mula nang bata pa kami, lagi naman kaming magkasama. Lately na lang na hindi na dahil pinagbawalan na kami ng mga magulang namin.
"Kamusta kayo sa klase?" tanong niya.
"Okay lang naman. Ikaw ba?"
"Okay lang. Nahihirapan din naman minsan," sagot niya.
"Sus, ikaw pa. Kayang-kaya mo 'yan. Matalino ka kaya," sabi ko.
"Tigilan mo 'ko. Mas matalino ka, no," sabi nito. "Kain ka na. Natutunaw na ang ice cream mo eh."
"Okay po. Salamat sa libre."
"Sus, nextime ako naman ang ilibre mo."
"Sure ba," pagpayag ko at nakipagkwentuhan at biruan sa kanya.
"Wait lang, CR muna ako," paalam ko bago pa kami umuwi.
"Sige. Bilisan mo," sabi nito kaya tumayo na ako at tumungo sa toilet.
Nang lumabas ako, muntik na akong mapasigaw nang makita ang bulto ni Orange sa tapat ng pinto pero agad nitong natakpan ang bibig ko.
"Psh! Ba't parang nakakita ka ng multo?"
"S—Sorry," paumanhin ko.
"Mayroon na o wala?"
"Hindi ko pa nga alam kasi nextweek pa 'yon dapat. Masyado pang maaga," sabi ko. Napag-usapan na namin 'to bago pa man kami maghiwalay noong isang araw pagkatapos niyang matulog sa unit ko.
"Chat mo 'ko ha."
"Pwede ka namang mag-chat. Isa pa, bakit ba dito tayo nag-uusap?" inis na tanong ko dahil baka may makakita sa amin. Wala namang tao sa toilet ng babae pero baka may pumunta para umihi at makita kami.
"Saan ba dapat? Sa unit mo?"
"Orange!" saway ko sabay pandilat sa kanya.
"Kasalanan mo 'to eh," sabi niya.
"Bakit ako?"
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Tumigil ang tingin niya sa binti ko kaya nakaramdam ako ng pagkailang.
"May limit ang palda sa Westbridge. Bakit ganyan ang suot mo? Akala ko ba conservative ang tatay at 'yang pinsan mo?"
"Mahaba 'to?" sabi ko. Oo, conservative si Tatay pero hindi naman sa ganitong suot. Hanggang tuhod naman 'tong palda ko ah. Yung iba nga above the knee na.
BINABASA MO ANG
In A Secret Relationship?
HumorHER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kanya pero biglang nagbago ang lahat nang may nangyari sa kanilang dalawa. Paano niya ipaliwanag sa mga...