Kaitlyn's POV
"Hi, morning," bati nito nang makasabay ko sa elevator pero hindi ko pinansin. Alas sais na ako nang makabalik sa unit ko dahil ayaw niya akong pauwiin. Natulog naman kami pareho. As in natulog lang talaga. "Kaitlyn, dumating na ba ngayon ang period mo?"
"Bunganga mo! Pag may makarinig sa 'yo, patay tayo pareho!" saway ko dahil ang lakas ng pagkakasabi nito.
"Kaitlyn," bulong niya. "Dumating na ba ang period mo?"
Tiningala ko siya at tinitigan nang masama kaya nanahimik siya. Kaya pala nakakalusot siya sa parking lot sa baba dahil tenant din siya rito.
Bumukas ang elevator kaya lumabas ako. Naiwan naman siya dahil sa baba pa sya bababa.
Inihatid ako ng driver namin sa Weatbridge. Pagdating doon ay naupo muna ako sa bench sa ilalim ng indian mango para hintayin ang mga kaibigan ko.
"Hi," bati ni Paul nang lumapit sa akin. "Ang aga mo naman yata, Kaitlyn."
"Morning," bati ko.
"Nasaan na ang mga friends mo?"
"Hinihintay ko sila. Maaga talaga ako para makapag-aral pa," sagot ko at nginitian siya. Mabait naman siya at palabati kaya okay lang siguro na kausapin ko siya.
"Ang sipag mo naman. Swerte siguro ng boyfriend mo sa 'yo," sabi niya.
"Wala akong boyfriend," sagot ko.
"Ows? Talaga ba?"
"Oo," sagot ko.
"Pero may naging boyfriend ka na?" tanong nito.
"Wala pa," sagot ko.
"Wow! Swerte naman ng magiging first boyfriend mo," sabi nito. "Pero open ka ba sa mga nanliligaw?"
"Hindi," tipid na sagot ko. Kay Orange pa nga lang, sumasakit na ang ulo ko paano pa kaya kapag may nanliligaw pa sa akin? Kailangan ko munang ma-solve ang problema ko sa lalaking 'yon bago ako mag-entertain ng iba. Isa pa, parang malabo na dahil hindi na ako virgin. Wala na akong maipagmalaki pa sa lalaking para talaga sa akin dahil sa karupukan ko.
"Bakit hindi? Takot ka ba sa parents mo?"
"Parang ganun na nga."
"What if kaya namang harapin ng lalaki ang parents mo?"
"Wala pa rin. Desisyon ko na 'wag muna," sagot ko. Kapag nagkataon na may haharap kay tatay, siguradong bugbog sarado. Isa pa, alam kong hindi pa open si Tatay na magkaroon ako ng boyfriend.
"Sayang. Pero baka pwedeng makipagkaibigan sa 'yo?" tanong ni Paul kaya ngumiti ako.
"Oo naman," sagot ko.
"Oh! Really? So, pwede bang pahingi na ng tamang number mo? Friends lang, ganun," hirit nito.
"Ba't nandito ka?"
Napalingon ako sa nagsalita pero napalitan ng init ng ulo nang makita si Orange.
"Tol. Ang aga mo ata," ani Paul.
"Lagi ba akong late?" malamig ang boses na tanong ni Orange.
"Hindi naman pero hindi ganito kaaga," sagot ni Paul.
"Maaga pa akong ginising ng katabi ko," sagot ni Orange na nasa akin nakatingin kaya pinandilatan ko.
"Woah! May naikama ka na naman kagabi?" bulalas ni Paul at inakbayan ang kaibigan. "Sino? Si Steffi ba?"
BINABASA MO ANG
In A Secret Relationship?
HumorHER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kanya pero biglang nagbago ang lahat nang may nangyari sa kanilang dalawa. Paano niya ipaliwanag sa mga...