50

7.3K 360 129
                                    


Unedited....





******KAITLYN's Pov********











"Sabi ko na nga ba, lalabas ang stolen shots sa amin ni Orange e."

"Does it bother you?" tanong ni Orange at inilapag ang hotmilk sa harapan ko.

"Konti lang," sagot ko. "May mukha ko na kasi kaya nawawala na ang mukha ko para iharap sa mga tao."

"I'm sorry," paumanhin niya.

"Wag kang humingi ng pasensya kung sinasadya mo naman!" inis na sabi ko.

"Wala akong kinalaman ha."

"Lately, ikaw itong panay ang pa-public ng relasyon. Akala mo hindi ko napapansin? Pagtawag at paglapit sa akin sa public places."

"Anong masama roon? Mag-asawa naman tayo. Alangan naman dito lang tayo sa bahay magkita at mag-usap?"

"Parang gusto ko nang maniwala na ikaw ang nag-post ng marriage certificate natin online," sabi ko.

"Hala, bakit ako?"

"Kasi tayong dalawa lang ang may copy nun!"

Tumahimik siya saka naglagay ng kanin sa plato. "Aminin mo nga sa akin, Orange! Ikaw ang nag-post nun no?"

"Kain ka na, mahaba ang klase mo ngayon kaya—"

"Ikaw ang nag-post?" ulit ko.

"Past na 'yun, Kaitlyn."

"So ikaw nga!" pagkumpirma ko.

"Anong mali eh, legal naman tayong mag-asawa. Hindi ka ba proud sa akin?" tanong niya saka nilagay ang itlog sa plato nito.

"My ghad!" hindi makapaniwalang sabi ko sabay iling. Naglagay ako ng danggit sa plato ko.

"Wag ka nang magalit. Ayaw ko lang kasing nadadawit ang pangalan ko sa kung kani-kanino lang," paliwanag niya.

"Gusto mo naman si Steffi. Pinopormahan mo nga eh," ani ko.

"Selos ka?" nakangiting tanong niya.

"For what? Ah, naalala ko na muntik na palang may nangyari sa inyo," sabi ko.

"Siya ang pakana nun! Kita naman sa video na hindi ko siya gusto kahit na lasing ako," depensa niya. "Wait, hanggang ngayon di pa rin mahanap ang kumuha ng video."

"Malay ko ba kung fake ang video na 'yun."

"Ikaw—" galit na sabi niya pero naikuyom na lang niya ang kamao. "Hahanapin ko ang taong yun tapos iharap sa 'yo para maniwala ka na totoo ang video na 'yun."

"Bahala ka. Galingan mong maghanap," sabi ko at kumain na. 

Bigla siyang tumayo kaya napatingala ako.

"Saan ka pupunta?"

"CR lang," sagot niya at tumalikod. Hindi ko alam kung anong mayroon siya pero kaninang umaga, nagising ako na nasa banyo sya. Hindi kaya may malubhang sakit si Orange na hindi lang nakita ng doktor?

"May hyperacidity ka ba?" tanong ko nang bumalik.

"Hindi ko alam," sagot niya at ipinagpatuloy ang pagkain. "Sabay na tayong pumasok ha."

"Hindi mo ba kayang pumasok nang mag-isa?"

"Nahihilo lang ako."

"Di wag kang pumasok."

"Mahalaga ang exam mamaya," depensa niya. "Naisip ko lang paano kapag mahilo ako habang nasa byahe?"

"Mag-taxi ka."

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon