42

6K 312 74
                                    







Unedited....






******KAITLYN's POV*******











"Aw!" daing ko nang mapahawak sa ulo. Alam kong medyo tipsy ako kagabi pero mas lalong nadagdagan nang makipagrambulan ako kay Orange. Nakailang rounds pa ang mokong bago ako tumigil. Kaninang madaling araw, nanggising pa para makaisa. Haist! Para kaming bagong kasal na sinusulit ang honeymoon. Yun nga lang, sa kabilang silid lang ang pamilya niya.

"Orange?" tawag ko dahil wala na siya sa kama. Sumilip ako sa balkon pero wala rin siya. Dumungaw ako sa baba. Nakita ko si Tito White at Tita Ayesha na nagdidilig ng mga bulaklak at halaman. As expected, napapalibutan ang buong bahay ng makukulay na bulaklak. Ang gate ay puno rin ng iba't ibang kulay ng bulaklak ng bougainvillea.  Ang ganda rin ng landscape nila at mataas na fountain sa gitna.

"Ate Kaitlyn! Morning!" tili ni Violet na nasa pool kasama ang quadruplets.

"Morning, ate!" sabay na sigaw ng quad sabay kaway sa akin.

"Morning," nakangiting bati ko. Alas siete 'y media na pero may naiiwan pang fog sa palibot. Bumalik ako sa kwarto at kumuha ng pants at tshirt saka tumungo sa shower room at naligo. Nagbabad muna ako para mawala ang sakit ng ulo ko.

"Oh gosh!" tili ko nang maalalang may lakad pala kami ni Orange. Ang sabi niya ay tutungo kami sa ilog para manghuli ng dalag at tilapia. Umahon ako sa bathtub at nagmamadaling bumihis saka nagsuklay ng buhok. Bumaba ako at hinanap si Orange.

"Morning, sister in law," bati ni Fuchsia.

"Morning, ate" bati ko. "Nakita mo si Orange?"

"Ay, wala ba sa taas?" tanong ko.

"Wala e. Paggising ko wala na siya."

"Hindi ko nakita. Baka nasa likod-bahay at sinamahan si Green Maroon na magdilig ng halaman."

"Sige po, puntahan ko," sabi ko.

"Ay, wait. Kumain ka muna," sabi ni Ate. "Di na namin kayo hinintay dahil ayaw ni Orange na magpaistorbo."

"Sige po," pagpayag ko at kumain muna.

Nang matapos ay lumabas ako at pumunta sa likod-bahay.

"Morning, kuya." bati ko kay Kuya na nagbubungkal ng lupa kasama si Lavender.

"Morning," bati niya.

"Morning po, ate," nakangiting bati ni Lavender. Jusko! Ang gwapo ng batang 'to.

"Si Orange?" tanong ko.

"Wala ba sa taas?" sagot ni Kuya Green Maroon. Medyo dumistansya ako nang kaunti dahil baka mahawakan ko. Oc-oc ito e. Alam ng lahat na bawal itong hawakan ng kahit na sinuman or kahit ang gamit, bawal gamitin ng ibang tao. Kahit nga sa plato at baso ay may sarili itong pangalan para hindi magamit ng mga kapatid. Sayang, gwapo pa naman sana kaso paano ito magkakajowa?

"Wala ho e. Nang magising ako wala na."

"Himala, ang aga ni Kuya Orange magising," sabi ni Lavender.

"Baka may pinuntahan lang," ani Kuya Green Maroon.

"Ginagawa nyo po?" tanong ko. Puro halaman ang nandito at may mga puno rin sa palibot. "Ano ang itatanim nyo?"

"Magtatanim po kami ng ampalaya at sitaw," sagot ni Lavender. "Heto ang project namin nina Kuya Green Maroon at Kuya Orange pero dahil may bisita si Kuya, kami na lang ni Kuya Green Maroon."

Napangiti ako. Ang sarap naman ng bakasyon nila.

"Morning," bati ng mga batang pumasok.

"Ang aga pa ninyo ah," sabi ni Lavender sa dalawang batang bugkalot na umakyat sa tree house para maglaro. "Kumain na ba kayo?"

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon