43

4.7K 278 42
                                    



Unedited...






*********KAITLYN's Pov*******









Nang lumabas ako sa hardin, nakasalubong ko si Orange.

"Kaitlyn," nakangiting bati niya pero hindi ko pinansin. "Wag ka nang magalit. Halika, magpaakyat tayo ng buko."

"Ba't naman ako magagalit?" inis na tanong ko saka inirapan siya.

"Kasi nagseselos ka."

"Hindi na," sagot ko pero naiinis pa rin ako sa kanya.

"Tara na para lumamig ang ulo mo," yaya niya sabay akbay sa akin. "Nandoon na ang triplets. Halika na."

"Ba't di si Chelsea ang yayain mo?" tanong ko.

"Ikaw nga yung niyayaya ko eh."

"Mas masaya kasama si Chelsea."

"Haist. Ikaw ang asawa ko."

"So? Kung hindi mo ako asawa, si Chelsea ang yayain mo?" Ibig sabihin, second option lang ako?

"Hindi naman. Kung hindi kita asawa, malamang wala ka rito. Hirap mo kayang lapitan dahil daig mo pa si Princess Diana kung mabantayan ng bodyguards," sagot niya kaya tinitigan ko siya nang masama. Napaatras siya na tila natakot ang mga mata. "W—What? Tama naman ako, di ba?"

"Sa kapal ng mukha mong 'yan, hindi mo 'ko malapitan?"

"Oo, hindi talaga kita malapitan dahil great pretender ka."

"Ulitin mo nga sinabi mo!" malakas na sabi ko.

"Hey, wag kang sumigaw. Bawal," mahinang saway niya kaya medyo kumalma ako. Nasa pamamahay pala nila ako. "Totoo naman ah. Palagi mo nga akong sinisisi kahit na hindi ko naman kasalanan. Remember noong mga bata pa tayo?" paalala niya kaya iniwas ko ang tingin. Oo nga pala, may kasalanan pa ako sa kanya.

"Tara na nga! Nauuhaw na ako," pagsuko ko dahil gusto ko rin talaga uminom ng fresh buko.

"Doon na tayo sa coconut farm kumuha ng buko," sabi niya. "Gusto mo bang mag-motor tayo or maglakad na lang?"

"Malayo ba?" tanong ko.

"Hindi naman masyado. Diyan lang. Naglakad din nga ang mga kapatid ko. Baka maabutan pa natin sila," sagot niya.

"Ah, sige. Maglakad na lang tayo para ma-enjoy ko rin ang view," sagot ko. Hinawakan niya ang kamay ko saka naglakad kami palabas ng gate.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Tito White nang makasalubong namin silang mag-asawa.

"Manguha po ng buko, Tito White," sagot ko.

"Wag nang mag-tito at tita," sabi ni Tita Ayesha. "Mula ngayon, nanay at tatay na ang itawag mo sa amin."

"O—Okay po, nanay," nahihiyang sagot ko. Kung si Orange kaya, payag din kaya si Tatay Ace na tawagin niyang tatay? Kay nanay wala sigurong problema pero kay tatay, for sure magagalit yun.

"Mag-motor kayo," suhestiyon ni Tatay White.

"Diyan lang naman ata eh," sagot ko. "Lakarin na lang ho namin."

"Mag-motor na kayo," suhestiyon ni Nanay. "Hindi sanay si Kaitlyn sa lakaran."

"Ay, wag na ho, sanay po ako sa lakad kapag magbakasyon ako sa Iloilo," tanggi ko. Baka isipin nila ang arte ko. Sila itong mas mayaman sa amin pero ang mga anak eh, laking probinsya at down to earth pa. Hanga ako sa pagiging mabuting magulang nila. Lumaking maayos ang mga anak dahil may disiplina at hands-on sa gawaing bahay kahit na may katulong.

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon