52

8.3K 319 80
                                    







Unedited...




"Oh? Ano 'yan?" tanong ni Paul nang lapitan si Orange na nakaupo sa bench at kumakain ng manggang hilaw at sinasawsaw sa bagoong.

"Bulag ka ba?" tanong ni Orange. "Damn! Bili mo nga ako ulet, Winter!" utos niya nang paubos na ang kinakain.

"Pangatlo mo na 'yan," sabi ni Winter. "Don't tell us, ikaw ang naglilihi?"

Napatigil si Orange sa pagkain at sinamaan ng tingin ang mga kaibigan. Isang buwan nang tapos ang pagsusuka niya kaya nakakain na siya nang maayos.

"Ngayon nga lang ako bumawi sa pagkain tapos sabihin mong naglilihi ako?"

"Mukhang naglilihi ka nga," sabi ni Paul sabay tapik sa balikat ni Orange. "Dude, ikaw na ang nagsuka, ikaw pa rin ang naglilihi?"

"Bumabawi lang ako sa pagkain!" inis na sabi ni Orange.

"Ilang buwan na ba ang tiyan ni Kaitlyn? Tatlong buwan?" tanong ni Winter. "Tamang-tama, naglilihi na talaga siya dapat."

"Sabing hindi ako naglilihi!" pikong sabi ni Orange.

"Okay na pala na hindi si Kaitlyn ang napangasawa ko," sabi ni Paul.

"As if papasa ka sa taste niya!" ani Orange.

"Di ikaw na!" sabi ni Paul. "Pati pagbubuntis ikaw na rin!"

"Shutup!" saway ni Orange.

"Dude, wag mo na kasing asarin si Orange," saway ni Winter. "Kitang buntis eh," dagdag niya kaya mas lalong sumingkit ang mga mata ni Orange sa galit.

"Diyan na nga kayo!" pikong sabi ni Orange nang makita ang asawang palabas ng Westbridge.

"Kaitlyn!" tawag niya saka hinabol ang asawa. "Saan ka pupunta?"

"Sa labas," sagot ng dalaga. "Oh? Tapos na ang pasok nyo?"

"Oo," sagot ni Orange. "Gagawin mo sa labas?"

"Puntahan sina Kyle at tatay," sagot ng dalaga.

"Sama ako."

Sumama siya sa pinakamalapit na coffee shop.

"Tatay," nakangiting bati ni Orange. "Magandang hapon po."

"Bakit kasama siya?" tanong ni Ace na kay Orange nakatingin.

"Wala na ho kaming pasok at inalalayan ko lang si Kaitlyn dahil baka mapano siya," sabat ni Orange.

"Ate, ano pala ang order nyo?" tanong ni Kyle saka inabot sa kanilang mag-asawa ang menu list.

"Ako na ho ang magbabayad," ani Orange.

"Kamusta naman ang pakiramdam mo, Kaitlyn?" tanong ni Ace.

"Okay lang po."

"Tumigil ka na lang muna sa pag-aaral kung hindi mo kaya."

"Okay lang po, wala naman po akong nararamdaman," sabi ni Kaitlyn maliban sa sumikip ang lahat ng damit niya dahil sa pagbubuntis.

"Ako naman po ang nagsusuka eh," sabat ni Orange kaya sinamaan siya ng tingin ni Ace. "Pero okay lang basta para sa mag-ina ko."

"Ayaw ko ng ganyan," sabi ni Kyle.

"Uy, bata ka pa para isipin 'yan ha," saway ni Kaitlyn. "Wag muna."

"Kung kagaya kay Kuya Orange na siya nagsusuka, wag na lang ako mag-asawa," ani Kyle.

"Uy, hindi naman ako nagsisisi ha," sabi ni Orange. "Mas okay nga 'yun at least nakatulong ako sa pagbubuntis ng asawa ko eh."

"Tama na nga," saway ni Ace sa kanila at nagbigay ng order nang lumapit ang waiter.

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon