37

6.1K 303 62
                                    












**********Kaitlyn's POV*********










"Ba't panay ang tawag ni Winter sa 'yo?" tanong ko. Matutulog na nga lang kagabi, tatawag pa.

"Ewan ko. Nag-away raw sila ni Geen," sagot niya.

Nag-chat nga si Geen, nagkatampuhan daw sila ni Winter pero for sure, hindi naman mauuwi sa hiwalayan yun dahil ang liit na bagay lang naman.

"Uuwi ka ba?" tanong ko.

"No," sagot niya. "Nextweek na ang exam kaya dito na muna ako. Susulitin ko na. By the way, sama ka sa akin sa probinsya ha."

"Hindi nga ako papayagan."

"Ipaalam kita," sabi niya. "I mean, ako ang bahala. Kakausapin ko si Ate Fuchsia."

"Paano?"

"Basta."

"Ayaw ko nga. Isa pa, hindi naman alam ng family mo na ako ang asawa mo."

"Ipapakilala kita," aniya kaya napatingin ako sa kanya.

"Joke ba 'yan?" tanong ko sabay iling.

"No," seryosong sagot niya. "Ipapakilala na kita sa family ko."

"Pero useless din naman dahil maghihiwalay rin naman tayo," giit ko.

"Hanggat buhay ako, hindi masisira ang kasal natin," aniya na salubong ang kilay. "Hindi ka pa ba kuntento sa akin, Kaitlyn?"

"What?"

"Kako kung hindi ka pa ba kuntento sa akin? Gusto mo pa bang mag-asawa ng iba? Naghahanap ka pa ba?"

"Hindi mo ba ako naintindihan, Orange? Darating ang araw na magsasawa ka rin sa akin dahil bata pa tayo at maraming babaeng magaganda sa paligid. Kapag makatagpo ka nang mas higit pa sa akin, paano na? Nagsasabi lang ako ng reyalidad at ayaw kong mahirapan ka balang araw."

"Hindi ako naghahanap ng iba at hindi ako magsasawa sa 'yo," aniya. "Look, hahanap ako ng iba  tapos panibagong adjustment na naman? Kaitlyn naman, bakit ganyan ang mindset mo? Pwede bang subukan mo munang ayusin at pagtibayin ang relasyon natin?"

"Look, hindi mo ba na-imagine na darating ang araw na magmahal ka ng iba tapos kasal tayo?"

"Hindi!" madiing sagot niya. "Bakit ako mag-i-imagine niyan eh, sa 'yo na ako kasal."

"Ano ba talaga ang plano mo, Orange? Like ten years from now, ano ang nakikita mo sa sarili mo?"

"Kailangan pa bang malaman mo 'yon?"

"Oo! Kasi kasal tayo ngayon at kailangan nating mag-isip ng furure."

"Damn, that future!"

"Kung hindi ka nag-iisip ng future—"

"Maging ama!" sagot niya. "Right! Ten years from now may anak na tayo mga dalawa. Makapagpatayo na tayo ng dream house natin at magkakaroon na tayo ng mga anak."

Natahimik ako. Sinasabi lang ba niya ito dahil ayaw niyang saktan ako?

"Kung hindi ka naniniwala, nasa iyo na iyon pero sinasabi ko na, wala akong balak na iwan ka, Kaitlyn. Hanggat kasal tayo, walang ibang bubuo ng pamilya sa 'yo kundi ako lang!" dagdag niya.

"S—Seryoso ka ba talaga?" naguguluhang tanong ko.

"Hindi ko kayang paglaruan ang kasal at pagkaroon ng pamilya," sagot niya.

"D—Do you love me?" nahihiyang tanong ko. Ito ang mahirap itanong lalo na kung hindi ka pa handa sa sagot. Wala naman kasing ligawan na naganap sa amin e.

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon