Unedited...
"Balita ko hindi ka umuwi kagabi," seryosong sabi ni Black nang pumasok si Orange. Sina Black at Nathalie ang mga parents niya. Sila rin ang gumagabay sa kanilang magkapatid kapag nandito sila sa Maynila dahil ang mga magulang niya ay nasa Nueva Vizcaya. "Ikaw Orange, marami akong naririnig sa 'yo ha! Kapag hindi mo pa baguhin 'yang ugali mo, ipapatapon kita sa CTU!" pagbabanta ni Black. Nagsimula rito ang kakaibang pangalan nilang magkapatid. Puro crayons color na ang weird lang.
"Haist! Hayaan mo na, binata na eh," sabat ng lolo Sky niya na napadalaw lang para magkape. "Ikaw naman, Itim. Parang hindi tayo nanggaling diyan. Hayaan mo siyang i-enjoy ang buhay."
"Hayaan mo akong magdisiplina sa mga apo ko, Sky!" ani Black sa kapatid. Triplets silang magkapatid. Siya, si Sky at Blue kaya hindi na magtataka ang mga nakakilala sa mga Villafuerte dahil lahi talaga sila ng mga kambal at triplets.
"Apo ko rin naman siya ah," sabi ni Sky. "Ka-triplets kita kaya may karapatan din ako sa kanya na magdisiplina."
"Hindi mo nga kaya ang mga apo mo tapos makialam ka pa sa amin!" salubong ang kilay na sabi ni Black.
"Seryoso mo naman sa buhay!" ani Sky at uminom ng kape. "Baklang 'to."
"Ulitin mo ang sinabi mo, Sky!" galit na sabi ni Black kaya nag-peace sign si Sky sabay ngisi. Kahit na nagkakaedad na ang mga ito, napaka-jologs pa rin kapag sila ang mag-uusap.
"Hoy, saan ka pupunta, Orange? Kinakausap pa kita!" galit na sabi ni Black nang mapansing patungo sa kusina si Orange.
"Lolo, kakain lang po, nagutom ako," sagot niya. Mula sa hotel, dito na siya dumiretso dahil alam niyang hindi nawawalan ng pagkain sa kusina.
"Saan ka galing?" seryosong ulit ni Black.
"Birthday po ng anak ng designer namin kaya invited ako. Naparami po ang inom kaya sa hotel na po ako natulog," magalang na sagot ni Orange.
"Ikaw Orange, kung sino-sino na lang ang babae mo ha!" ani Black. "Hindi ka ba titino?"
"Lolo, tsismis lang po iyon. Isa pa, wala ho akong girlfriend."
"Walang problema kung marami kang girlfriend," sabat ni Sky. "Basta magbaon ka lang ng condom hindi kaya i-withdraw mo."
Gigil na sinipa ni Black ang kapatid.
"Kaya namimihasa 'yan kasi pinagtatanggol mo!" ani Black. Dito yata nagmana sa kapatid niya ang ugali ni Orange.
"Marami lang pong babaeng lumalapit sa akin pero wala talaga akong girlfriend," sagot ni Orange saka tumuloy sa kusina at naghanap ng makakain. Saktong kakaluto lang ng katulong ng nilaga kaya kumain na siya at pagkatapos ay nagpaalam na bumalik sa condo niya para magpahinga.
Minsan makirot pa rin ang katawan niya dahil sa aksidente pero papahilom na ang mga sugat kaya nakakalakad na siya nang maayos at nakapagmaneho na ng sportscar niya.
Mahilig talaga siya sa motor dahil iyon ang gamit niya sa probinsya. Mas nadagdagan pa nang minsang napasama siya sa mga Lacson dahil mga racer ang mga iyon.
Kumbaga Lacson ang naghahari sa CTU o Chrysanthemum University at mga Villafuerte naman ang sa Westbridge. Medyo bloody lang ang CTU dahil legal ang frat doon.
Buong araw siyang nanatili sa condo para makapagpahinga.
Kinabukasan, maaga pa siyang pumasok para doon na sa tambayan mag-breakfast.
"Morning, Nanay Ashley. Sarap po ng pancit," puri niya sabay bigay ng isang libo dito.
"Ay, ano 'to? May papabili ka?"
BINABASA MO ANG
In A Secret Relationship?
HumorHER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kanya pero biglang nagbago ang lahat nang may nangyari sa kanilang dalawa. Paano niya ipaliwanag sa mga...