53(Finale)

5.4K 314 55
                                    










Unedited...








"Orange," pukaw ni Kaitlyn.

"Hmmm?"

"M—Masakit yung tiyan ko," sabi ni Kaitlyn.

"Magpahid ka ng pangkabag," inaantok na sabi ni Orange.

"Aw!" daing ni Kaitlyn saka bumangon at pumunta sa CR at umihi. Paglabas niya, naghihilik na naman si Orange kaya naupo siya sa sofa at pinakiramdaman ang sarili. Napahawak siya sa tiyan nang humilab na naman. "M—Manganganak na ata ako," sabi niya saka kinuha ang unan at pinaghahampas ang asawa.

"Hey!" naalimpungatang sabi ni Orange saka napatayo nang makitang galit si Kaitlyn. "Okay ka lang ba?" Umiling si Kaitlyn. "May masakit ba sa 'yo?"

"Tiyan ko—aw! Aray! Manganganak na yata ako."

"Kaitlyn," natarantang sabi ni Orange.

"Ouch! O—Orange, ang sakit!"

"W—Wait. Teka," ani Orange na hindi alam ang gagawin.

"Nay! Tay!" malakas na sigaw ni Kaitlyn dahil naramdaman niyang may mainit na likidong tumutulo sa mga binti niya.

"K—Kaitlyn, manganganak ka na," ani Orange saka binuhat ang asawa.

"Anong nangyayari?" tanong ni Kate nang lumabas sa kwarto.

"Manganganak na ba si Kaitlyn?" tanong ni Ace.

"Tatay, ang sakit!" ani Kaitlyn habang pababa sila ni Orange sa hagdan.

"T—Teka, ano ang gagawin natin?" natarantang tanong din ni Ace habang sumusunod sa kanila.

"Itong sasakyan!" sabi ni Kate nang sa ibang sasakyan tumungo sina Orange at Ace. Napag-usapan na nilang itong van ang gagamitin dahil lahat ng gamit ay nakahanda na rito para kung sakaling manganak si Kate ay hindi na sila magkandaugaga sa paghanda.

"Tay, ikaw na ho ang magmaneho," sabi ni Orange.

"S—Sige."

"Wag!" pagpigil ni Kate habang tinatawagan si Marco. "Manganagak na si Kaitlyn, pagmaneho mo kami." Wala siyang tiwala kina Orange at Ace dahil nagpa-panic na ang mga ito. Baka sa halip na hospital, sa langit ang bagsak nila.

"Ma'am," ani Marco habang patakbong lumapit sa kanila at agad na pumasok sa sasakyan.

"Bilisan mo, Marco!" utos ni Ace.

"Dahan-dahan lang," saway ni Kate.

"N—Nay, aw!" naiiyak na sabi ni Kaitlyn habang hawak ng magkabilang kamay ang kamay ng ama't asawa.

"Hold on, baby," sabi ni Ace. "Malapit na tayo."

"M—Masakit na talaga," naiiyak na sabi ni Kaitlyn at napahigpit sa paghawak sa kamay ng asawa.

"Kasalanan mo 'to eh!" paninisi ni Ace kay Orange.

"Hala, di ko naman ginusto na ganito kasakit," depensa ni Kaitlyn.

"Tigilan nyo na nga ang sisihan," saway ni Kate.

"M—Mom—ouch!" daing ni Kaitlyn na sa ina na kumukuha ng lakas dahil ang ingay ng dalawa kaya mas lalong nadagdagan ang sakit niya.

"Orange, tawagan mo na nga ang hospital na papunta na tayo."

"S—Sige po," ani Orange. "Naiwan ko ang cellphone ko."

"Wala ka talagang kwenta!" asik ni Ace na nagda-dial na para ipaalam na manganganak na ang anak niya.

Pagdating, agad silang sinalubong ng medical team at diniretso sa labor room.

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon