UNEDITED...
********KAITLYN's POV*********
"Kanina pa pala umalis ang mga kaibigan mo pero hindi mo man lang ako tinawagan," reklamo niya nang pumasok sa kwarto. "Kung hindi pa ako nagtanong, hindi ka pa sasagot."
"Paano kita sagutin eh hindi ka nga nagtanong?" tanong ko. "Isa pa, nakikita mo naman kami sa sala ah."
"Malay ko ba kung nasa room kayong tatlo," sabi niya. "Ano ba ang ginawa nila?"
"Ewan ko. Ayun, nanood lang ng movie tapos umuwi rin agad," sagot ko.
"Psh! Istorbo sila. Pagsabihan mo nga na magpaalam sa 'yo kapag pupunta sila."
"Napagsabihan ko na!" sagot ko. Okay lang naman na may pa-surprise visit sila dahil sanay na ako sa kanila pero ngayon, may asawa na ako e.
"Bakit ba kasi inilihim pa natin sa kanila?" tanong niya. "Wala tayong freedom. Feeling ko nakakulong ako sa hawla. Iba pa rin kasi kapag malaya tayo sa ginagawa natin kagaya ng normal couple."
"Ikaw lang naman ang masyadong fans na nag-aabang ng buhay mo eh," wika ko. "Kung normal na tao lang sana tayo sa lipunan, eh di sana wala tayong problema. Hindi iyong marami ang nakaabang sa buhay mo."
"Hindi naman ako. Never akong nagpakalat ng istorya ng buhay ko. Open book lang siguro kami dahil sa mga kapatid ko at pangalan namin na matagal nang nakatatak sa sosyudad."
"Yun na nga," sabi ko. "Kaya pati ang babaeng ma-involve o link sa 'ho ay malaking issue na."
"Sana naman intindihin mo rin ako dahil hindi ko ginusto ito. Gusto ko lang ng normal at tahimik na buhay. Deserve ko rin naman siguro ang ganun. Kagaya ng relasyon natin. Gusto rin naman magkaroon ng magandang wedding natin someday," aniya.
"Kasal na tayo."
"Pero hindi formal wedding, Kaitlyn. Gusto ko yung sa simbahan tayo kasama ang pamilya at mahal natin sa buhay. Hindi yung secret wedding," paliwanag nito.
Yun din naman ang pangarap ko noon kaso sinira lang nito. Ang laki pa naman ng expectations ko noon. Pinagpipilian ko pa yan noon ang church, garden o beach wedding tapos mauwi lang pala sa judge tapos wala pang pamilya na dumalo. Sinira nito ang dream wedding ko.
"Ipinaalam na pala ako ni Ate Fuchsia kay Tatay," pag-iiba ko.
"Oo. Payag na siya. Ang alam ni Tatay Ace, close kayo ni Ate kaya pumayag siya," sabi nito. "Maganda sa amin, mag-i-enjoy ka, promise. Higit sa lahat, walang chismosa. Safe tayo roon."
"Bahala ka," sabi ko. "Siya nga pala, 'wag kang masyadong magpahalata sa harap ng barkada ko at barkada mo ha."
"Bakit?"
"Kasi baka maghinala sila. As long na kaya mong umiwas, umiwas ka. Wag mo silang bigyan ng dahilan para maisip na ako ang asawa mo, okay?"
"Haist! Oo na. Kahit sa kanila nagtatago tayo," napilitang pagpayag niya. "Mga kaibigan ko sila at bakit? Umaasa ka pa na maging kayo ni Paul?"
"Hindi ka ba titigil?" saway ko.
"Totoo naman!"
"Oo na. Mas bagay kasi kami ni Paul kaysa sa 'yo."
"Ulitin mo nga ang sinabi mo!" aniya.
"Haist! Kulit mo! Hindi ko nga gusto si Paul!" sabi ko saka nagtalukbong na.
"Sabihin mo 'yan mamaya pagkatapos nating—"
"Hey! Anong gagawin mo?" bulalas ko nang pumatong siya sa akin. "Orange! Baba!"
BINABASA MO ANG
In A Secret Relationship?
HumorHER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kanya pero biglang nagbago ang lahat nang may nangyari sa kanilang dalawa. Paano niya ipaliwanag sa mga...