Unedited...
Kaitlyn's Pov
Mahigit isang linggo nang tapos ang menstruation ko. After malaman ni Orange na hindi ako buntis, hindi ko na sya nakita pang muli. Gusto ko sana siyang kausapin pero hinding-hindi ako tatawag sa mokong na 'yun.
"May problema ka? Mukhang malayo ang tingin mo ah," tanong ni Rose Ann.
"Hindi ko alam kung tama ang sagot ko sa exam," sagot ko.
"Oo naman, ikaw pa."
"Sus. Parang sigurado ka ah," sabi ko.
"Oo naman."
"By the way, may tanong ako. Yung pinsan ng kasambahay namin buntis," sabi ko. "Hindi pala. Akala pala nila buntis dahil nag-positive sa pregnancy test pero kinabukasan, dumating ang regla niya. Possible kaya 'yun?" tanong ko.
"Ilang beses ba siyang nag-test? Baka false alarm lang."
"Pero positive naman sa test."
"Sa pagkakaalam ko, may ganoong case. Ganyan din daw si Mommy noon. Akala nila buntis siya kasi positive sa test pero hindi naman talaga. Sabi ng OB niya, chemical pregnancy raw."
"Chemical pregnancy?" ulit ko.
"Oo. Ganoon na nga raw ang nangyari kay Mommy kasi gustong-gusto na nila magka-baby noon kaya lang palagi namang dumadating ang period niya. Akala nila buntis na sya dahil sa kit pero kinabukasan dumating pa rin yung period niya. Sabi ng doktor, chemical pregnancy raw. Early miscarriage na usually nangyayari before five weeks ng pagbubuntis."
"Ibig sabihin, may baby na talaga pero na-miscarriage lang?"
"Parang ganoon na nga siguro," sagot niya kaya napakagat ako sa ibabang labi. Ibig sabihin, mayroon talagang baby noon?
"Oh, saan ka galing?" tanong ni Rose Ann. Napatingin kami kay Geen na kakarating lang.
"Sa labas. Bibili sana ako ng gamot ni Daddy kaso sarado na pala ang Pharmacy diyan sa malapit."
"Ha? Paanong sarado?"
"Ipinasara daw dahil sa pagbebenta ng fake product," sagot ni Geen.
"Anong ipinasara?"
"Hindi ko rin alam. Yun lang ang sabi. May mayaman daw na customer na bumili tapos fake yung product kaya pinasara," sagot ni Geen.
"Pero mayaman naman ang may-ari ah," wika ni Rose Ann.
"Politiko pa nga," segunda ko. Sa pagkakarinig ko, senador ang may-ari nito kaya imposibleng fake ang binebenta.
"Tingin ko Lacson o Villafuerte ang customer nila," sabi ni Rose Ann kaya napakunot ang noo ko.
"Baka. Sila lang naman ang makapangyarihan dito," pagsang-ayon ni Geen.
"Ano raw ang product na fake?" usisa ko.
"Hindi ko alam. Basta product lang," sagot ni Geen. "Hayaan mo na. Nagpabili na ako sa driver," sabi niya.
"Tara sa cafeteria," yaya ni Rose Ann.
"Pwede bang mauna na kayo?" pakiusap ko. "Sunod ako. Order nyo ako ng palabok."
"Saan ka pupunta?"
"May kukunin lang sa driver," sagot ko at iniwan na sila para kunin sa driver ang pinadala ni Nanay na cupcake. Alam kasi niya na paborito ng mga kaibigan ko ang cupcake niya.
BINABASA MO ANG
In A Secret Relationship?
HumorHER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kanya pero biglang nagbago ang lahat nang may nangyari sa kanilang dalawa. Paano niya ipaliwanag sa mga...