23

5.4K 275 31
                                    




Unedited...






KAITLYN'S POV






"Tay?" tawag ko. Nasa pavilion siya nang lapitan ko habang nagkakape.

"May kailangan ka?" tanong nito na sa hardin ang mga mata.

"About sa company," panimula ko.

"I don't want to talk about it, Kaitlyn," malamig ang boses na tugon niya.

"Gusto kong malaman ang totoo," sabi ko.

"It's none of your business. Mag-study ka nang mabuti dahil hindi lahat ng oras ay nandiyan kami ng nanay mo para sa inyo."

"I know but tay, baka may maitulong ako."

"Problema ko na iyon, Kaitlyn. Kung ang inaalala mo ay ang future ninyo, 'wag kang mag-alala, kaya kayong bigyan ng maginhawang buhay habang kayo'y nabubuhay. No one cam harm and bully you. May savings kayo ng kapatid mo. May bahay at lupa pa akong maiiwan sa inyo. Kahit na mag-anak pa kayo, kaya pa rin kayong buhayin ng pinaghirapan ko."

"I know," malungkot na sabi ko at naupo sa tabi niya. Buhay na niya ang pagnenegosyo at ang pera ay lumalabas na lang ngayon. Kahit pa mawala ang lahat sa amin, sanay naman kami noon ni Nanay sa wala. Ang inaalala ko lang ay ang kapatid ko dahil sunod ang luho nito kay Tatay.

"Madam, nasa sala ho si Elias," sabi ng katulong kaya nilingon ko.

"Okay po. Pakisabing punta na ako."

"No need. I'm here," sabi ni Elias na nasa likuran lang ng katulong.
"Hello, tito. Hi, Kaitlyn."

Tumayo si Tatay kaya tiningala ko.

"Maiwan ko na muna kayo," paal ni Tatay at iniwan na nga kami.

"Oh? Bakit hindi maipinta ang mukha mo?" tanong ni Elias at naupo sa pwesto ni Tatay kanina.

"Nakakainis lang dahil hindi ko alam kung paanong nangyari ang lahat ng ganito," nakalabing sabi ko.

"Wag mo nang problemahin—"

"I have to!" giit ko. "Mahal ko si Tatay at nasasaktan ako sa nakikita ko! Sobrang bilis ng pangyayari. Hindi ko namalayan na bumagsak na pala ang negosyong pinaghirapan ng tatay ko. Ni wala man kayong magawa para tulungan kami."

"Hindi ko rin alam ang nangyayari, Kaitlyn," malungkot na sabi niya. "I tried to ask my dad but he's quiet about it. Believe me, ilang beses ko nang sinubukang kausapin sila na tulungan kayo pero—hindi sila makagalaw dahil kahit kami, apektado rin daw sa nangyayari sa inyo. Kapag makialam kami, lahat tayo ay babagsak. Hindi ko alam kung sino ang na-offend ni Tito dahil tatlong malalaking investors ang sabay na tumiwalag sa kanya at ang iba ay biglang natakot kaya sumunod na rin sila sa pag-alis."

"But it was unfair!" giit ko.

"I know," aniya."I know, Kaitlyn. Ang hirap dahil hindi namin kilala ang kinakalaban natin. I tried to ask Tito Ace kung sino ang na-offend niya pero tikom ang bibig niya."

"Totoo bang kina Steffi lumipat ang ibang investors?"

"Yes," sagot niya kaya naikuyom ko ang kamao. Bakit ang unfair naman nilang lumaban. Ni hindi man lang nila binigyan ng chance ang tatay ko na patunayang kaya niyang ibangon ang kompanya.

"Don't worry, Kaitlyn. Naniniwala ako na kaya ng tatay mong lagpasan ang lahat ng ito."

"Sana nga," puno ng pag-asang sabi ko.

"Punta ka na ba sa unit mo? Hatid na kita."

"Hindi ko alam kung mag-stay pa ba ako roon o uuwi na rito," naguguluhang sabi ko. "Gusto kong damayan si Tatay."

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon