UNEDITED...
*******Kaitlyn's POV*******
Nagmulat ako nang maramdaman ang bigat sa tiyan ko.
"Orange!" reklamo ko sabay tulak ng paa niya. Napahawak ako sa bewang ko nang gumalaw ako. Ang sakit!
"Kaitlyn," usal niya habang nakapikit saka mahigpit akong niyakap. "Matulog pa tayo."
"Ano ba? Wag ka ngang yumakap!" saway ko saka tumayo at tumungo sa shower room para maligo. "Aw!" daing ko dahil masakit talaga ang buo kong katawan lalo na ang balakang ko.
Paglabas ko, nakabangon na siya.
"Magbihis ka nga, baka pumasok ang mga kapatid mo," saway ko.
"Naka-lock ang pinto at kahit naman bukas hindi 'yan sila papasok," sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang puno ng kissmark ang dibdib at niya.
"Ehem!" tikhim niya sabay hawak sa chest niya. "Hay, ang sakit talaga ng katawan ko. Pakiramdam ko kinagat ako ng maraming langgam buong gabi. Pinapak nila yung katawan ko."
"Nagpaparinig ka, Orange?" tanong ko.
"Ha? Hindi ah."
"Hindi ako pinanganak kahapon, Orange!"
"Yun naman talaga ang naramdaman ko eh," sabi niya. "Makaligo na nga. Sabay na tayo bumaba ha."
Naupo ako sa kama para hintayin siya.
"Kaitlyn? Paabot naman ng towel," sigaw niya kaya tumayo ako at binigyan siya.
Tiningnan ko ang dibdib niya. Thanks God at walang marka sa leeg niya kaya pwede pa niyang matago ang sa dibdib.
Nang matapos siya ay sabay kaming bumaba.
"Morning," bati ko.
"Morning," bati nila at sabay na kaming kumain.
"Kuya, maligo ba tayo sa ilog mamaya?" tanong ni Violet kaya napatingin si Orange sa akin.
"Sige," pagpayag ko.
"Sama ako!" sabi ni Purple.
"Ako rin," masiglang sabi ni Violet.
"Sa Eco tourism park na lang tayo pumunta," sabi ni Nanay Ayesha. "Sama natin yung mga bugkalot."
"Sige. Mabuti pa nga," pagpayag ni Tatay White.
"Magdala na lang tayo ng prutas." suhestiyon ni Ate Fuchsia.
"Doon na lang tayo bumili ng pagkain," ani Tatay White kaya tuwang-tuwa ang mga batang kapatid ni Orange.
"Text ko po si Ismael para masabihan niya ang mga bugkalot kung sino ang gustong sumama," sabi ni Ate Fuchsia.
"Malapit lang ba 'yun?" tanong ko.
"Isang oras with car," sagot niya.
Pagkatapos kumain, naghanda na kami para sa outing. Dalawang jeep ang para sa mga bugkalot at isang van para sa pamilya ni Orange at kami naman ay mag-motor daw.
"Uy, dahan-dahan lang sa pagpatakbo, Orange. Kasama mo si Kaitlyn."
"Ako ho ang bahala sa asawa ko," sagot ni Orange at inabot sa akin ang helmet. Nag-aalangan pa akong sumakay pero hinawakan niya ako sa kamay.
"Don't worry. Sabihin mo lang kung mabilis ang pagpatakbo ko para mabagalan ko, okay?"
Tumango ako saka sumakay sa likuran ng motor niya at kumapit sa bewang niya. Nakasunod kami sa van nila. Mabagal din ang pagpatakbo ni Orange.
BINABASA MO ANG
In A Secret Relationship?
HumorHER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kanya pero biglang nagbago ang lahat nang may nangyari sa kanilang dalawa. Paano niya ipaliwanag sa mga...