41

6.1K 298 39
                                    









Unedited...








*********Kaitlyn' s Pov******











"Orange!" bulalas ko sabay hawak sa dibdib nang pagmulat ko ay siya ang nakita kong nakatunghay sa akin. "Ano ba? Papatayin mo ba ako, ha?"

"Bakit?" inosente niyang tanong.

"Haist! Ba't ba gising ka na?"

"Alas otso na."

"Late tayong nagtulog," sabi ko saka naalalang dito pala kami sa bahay nila kaya agad akong napabangon. "Oh my gosh! Hindi pa ako naligo."

"Hey, relax. Wala pa naman tayong lakad. By the way, maghilamos ka na lang muna tapos baba na tayo para mag-breakfast."

"Orange, naiilang pa rin ako sa parents mo."

"Eh? Wag kang mag-alala sa kanila. Wala naman silang reklamo sa 'yo. Parang di ka sanay sa kanila."

"Iba naman kasi 'pag company matters."

"Same lang 'yun," sabi niya at niyakap ako mula sa likuran. "You're my business."

"Maligo lang ako," sabi ko at pumasok sa shower room saka naligo.

"Tumawag ang tatay mo," sabi niya.

"Ha? Sinagot mo?"

"Hindi. Syempre magwawala ka," sagot niya kaya kinuha ko ang cellphone at chinat si Tatay na okay lang ako.

Nang okay na ako, niyaya ko na siyang bumaba.

"Morning, Ate Kaitlyn?" masiglanh bati ni Violet.

"Morning," bati ko. Lahat sila ay nasa hapag-kainan na at patapos nang kumain.

"Sorry kung late kami ng gising," paumanhin ni Orange sabay hawak sa bewang ko. "Nagho-honeymoon pa kasi kami. Aw!" Automatic ata ang katawan kong gumalaw kaya nasiko ko siya.

"Kuya Orange, ano ba ang ginagawa pag mag-honeymoon?" inosenteng tanong ni Navy, isa sa quadruplets na bunso nila.

"Let's sit down," bulong ni Orange matapos hilain ang upuan para sa akin. "Here. Kain ka nang marami ha. Gala tayo mamaya."

"Wag kang mahiya, Kaitlyn. Kain ka lang," sabi ni Tita Ayesha kaya tumango ako at kumain. Ang saya nila habang kumakain kahit na panay saway ni Tito White sa mga anak na wag magkalat.

Nang matapos kumain, naghugas kami ng kamay sa wash area nila. Ang laki ng washroom nila. At bawat sink ay may pangalan talaga ng mga anak nila at mayroon ding para sa mga bisita.

"Tara, gala tayo," yaya ni Orange.

"Saan?"

"Diyan lang. Maglakad-lakad."

Pumayag ako. Lumabas kami at naglakad patungo sa malawak na maisan nila.

"Morning, sir Orange!" magalang na bati ng matandang ginang na may dalang basket. "Siya na ba ang asawa mo? Nako, ang ganda!"

"Yes po, asawa ko," sagot niya sabay akbay sa akin.

"Morning ho," magalang na bati ko at nilagpasan ito.

"Hindi naman halata na halos alam na ng lahat na may asawa ka na, no?" inis na tanong ko.

"Hindi naman. Dito lang sa area na 'to," sagot niya.

"Kakalat 'yan!"

"Kalat naman na sa buong Pilipinas na may asawa ako. Pero atleast dito, walang magkakalat ng litrato mo."

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon