Unedited....
Kaitlyn's POV
Mag-iisang linggo na akong hindi pinapansin ni Tatay. Ilang beses ko siyang sinubukang kausapin pero isang tanong, isang sagot lang kami. Ang sabi ni Nanay, hintayin ko lang daw na humupa ang galit niya. Hindi ako sanay na ganito. Madalas akong maglambing sa kanya kaya nakakapanibago.
"Ate?" tawag ni Kyle nang lapitan ako.
"Oh?" inis na tanong ko. Limang taon ang agwat naming dalawa at hindi na siya nasundan pa.
"Patulong naman po ng homework ko," pakiusap niya. "Nahirapan ako e."
"Kunin mo ang assignment mo at tuturuan kita," utos ko kaya dali-dali siyang bumalik sa loob at kinuha ang assignment. Linggo ngayon kaya lahat kami ay nasa bahay. Nagsimba muna kami kanina at nag-lunch sa bahay nina Lola Kristina at pagkatapos ay umuwi na rin kami. Niyaya pa nga ako ni Elias na gumala at manood ng Rewind sa MOA pero tinatamad ako.
Nang bumalik si Kyle, tinulungan ko siyang gumawa ng homework niya at pagkatapos ay pumasok sa kusina at tinulungan si Nanay na mag-bake ng muffins.
"Nay? Napansin ko na busy si Tatay ngayong linggo," sabi niya.
"Busy lang siya sa kompanya ngayong linggo," sagot ni Kate at nginitian ang anak saka inayos ang buhok. "Don't worry, magiging maayos din ang lahat."
"Nay, alam ko pong mali ako. Hindi ko dapat inaabuso ang tiwala ninyo," paumanhin ko. Minsan lang ako umabuso sa freedom pero napahamak pa ako. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko.
"Hayaan mo na anak, mauunawaan din ng tatay mo 'yun. Ang dami lang niyang inaasikaso kaya hindi siya makapag-focus nang maayos."
Tumango ako. Nang matapos kaming gumawa ni Nanay, tumambay kami sa garden para magpahangin.
"Nay? Okay lang ho ba na uwi ako ng Iloilo sa next Sunday? Birthday ho kasi ni Daddy Niel," paalam ko. "Pero kung hindi ho pwede, okay lang. Ipapadala ko na lang po ang regalo ko sa kanya."
"Okay lang. Ipaalam na kita sa tatay mo," sabi ni Nanay. Lastyear pinayagan naman nila ako. Nanatili ang mabuting samahan ko sa mga Lopez dahil kahit na wala na sina Nanay at Daddy Niel, naghabol pa rin si Daddy Niel sa akin noong nagkaisip na ako. Sabi nga nila, ang mali ng magulang ay hindi na dapat dinadamay ang mga anak.
Narinig ko ang sasakyan ni tatay na dumating kaya sinalubong namin siya ni Nanay.
"Asawa ko," bati ni Nanay at humalik sa mga labi ni Tatay.
"Hey," nakangiting sabi ni Tatay at niyakap siya. Iniwas ko ang tingin nang mapasulyap si Tatay sa akin. "Mag-usap tayo, Kaitlyn."
"Y—Yes po," kinakabahang sagot ko saka sinundan siya sa study room. Lumingon ako kay nanay para humingi nang sakloko pero sumenyas siya na okay lang ang lahat.
"Close the door, Kaitlyn," seryosong sabi niya kaya maingat na isinara ko ang pinto at lumapit sa kanya na nakaupo sa tapat ng study table nito.
"T—Tay."
"Take a seat," walang kangiti-ngiti nitong sabi kaya mas lalo akong kinabahan.
"Kaya mo 'to, Kaitlyn!" bulong ko saka naupo sa harapan niya.
Hindi siya nagsasalita kaya pakiramdam ko ay nasa hotseat ako. Gusto ko nang maiyak at tawagin si Nanay.
"Sana maisip mo na lahat ng iyon ay ginawa ko para sa 'yo, Kaitlyn. I just wanted to protect you. You're my only daughter at kapag anong mangyari sa 'yo ay wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko," panimula ni Tatay kaya napayuko ako saka napakagat sa ibabang labi. "I love you, Kait. Ayaw kong maranasan mo ang pansamantala ng ibang tao dahil sa kabaitan mo. Masyadong malawak ang mundo para—" Narinig ko ang malalim na buntonghininga niya matapos tumigil sa pagsalita. "Para makatagpo ka ng mga maling tao o kaibigan."
BINABASA MO ANG
In A Secret Relationship?
HumorHER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kanya pero biglang nagbago ang lahat nang may nangyari sa kanilang dalawa. Paano niya ipaliwanag sa mga...