45

6.4K 349 61
                                    








Unedited...






"Hi," bati ko sa kanila nang tumabi kay Rose Ann habang nasa ice cream house. Hindi kami nagkausap pa pagkatapos ng nasa bahay. Kahit sa group chat naming tatlo ay parang wala lang na nangyari.

"Treat mo kami," sabi ni Rose Ann.

"Sige," pagpayag ko para hindi na sila magtampo.

"Rich naman ang husband mo kaya manlibre ka," ani Geen.

"Oo nga. Ni hindi man lang kami nakapagpa bridal shower sa 'yo. Ni bridesmaid wala," nagtatampong sabi ni Rose Ann.

"Girls, sorry kasi—"

"Haist! Nevermind," sabi ni Rose Ann. "Alam naming may reason ka kaya okay lang. It takes time para umamin pero basta no more secrets na ha!"

Napalabi ako. Nakakaiyak na may mga ganito akong kaibigan.

"Wag ka na ngang umiyak. May Orange ka naman," ani Geen.

"Hala. Basta kwento mo kapag okay ka na ha," excited na sabi ni Rose Ann. "Sabi sa 'yo eh, hindi ka makalihim sa amin. May pagka-detective kaya kami."

"Oh, kanina pa kayo?" tanong ni Winter na kakaakyat lang kasama si Paul.

"Si Orange!" tanong ni Geen.

"Ba't mo hinahanap? Dito naman ako," tanong ni Winter at naupo sa tabi niya.

"Hi, Kaitlyn," bati ni Paul at tumabi sa akin.

"Hello," bati ko at napatingin kay Orange na palapit sa amin at may dalang ice cream na order nila.

"Pwesto ko na 'to," sabi ni Orange saka sinipa ang paa ng silyang inuupuan ni Paul.

"Pinagmumukha mo talaga akong tanga, ano?" galit na sabi ni Paul saka tumayo at lumipat sa tabi ni Rose Ann.

"Hindi naman," ani Orange. "Kaitlyn, gusto pa ng ice cream?"

"Hindi na. Ang dami ko nang nakain," tanggi ko at napatingin sa paligid. Buti at walang tao rito sa itaas dahil halos lahat ng customer ay nasa baba at hindi pa uwian.

"Bakit hindi mo sinabi? Ilang beses kitang tinanong, Orange!" tumaas na ang boses ni Paul kaya nabahala ako na may maraming makarinig sa baba.

"Sinusunod ko lang ang napag-usapan namin ng asawa ko. Wala rin naman siyang pinagsabihan kahit na mga kaibigan niya."

"At kailan ka pa naging sunod-sunuran sa iba?" tanong ni Paul.

"Mula nang mapangasawa ko si Kaitlyn," sagot niya kaya napatingin ako sa kanya. "Di ba sabi mo, swerte ng mapangasawa ni Kaitlyn? Kung ikaw sa sitwasyon ko, gagawin mo rin ang sinasabi niya."

"Hindi ko akalaing magkaroon ako ng traidor na kaibigang kagaya mo!"

"Hindi mo siya girlfriend kaya hindi kita sinaksak patalikod," depensa ni Orange.

"Pero alam mo na gusto ko si Kaitlyn! Nililigawan ko nga eh."

"Hindi naman kita pinigilan na ligawan ang asawa ko," ani Orange. "Hinayaan nga kita eh."

"But you lied! Ang sabi mo, hindi ka interesado sa kanya."

"Okay, nagsinungaling na ako pero hindi ba't nagsinungaling din si Kaitlyn sa 'yo? Bakit sa akin ka galit?"

Tinulak ko si Orange at sinamaan ng tingin. Dinamay pa ako.

"Alam kong inosente si Kaitlyn," ani Paul. "Tinatakot mo lang siya."

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon