Unedited....
Kaitlyn's POV
"Miss," sabi ng guard nang papasok na sana ako.
"Hello po, good afternoon, kuya," bati ko at nginitian siya.
"Ma'am, bawal hong magdala ng bulaklak," sabi nito kaya nagtaka ako.
"Ho?"
"Kasi Ma'am, marami hong basura na bulaklak kaya sabi ng pamunuan, bawal nang bulaklak sa loob ng building."
"Ha? Hindi ko po maintindihan," sabi ko.
"Basta bawal na raw ho," sabi nito. "May nagreklamo kasi na napupuno ang basurahan ng mga lantang bulaklak at hindi naitapon nang maayos sa basurahan."
"Kuya, hindi ko po itatapon ito sa basurahan," sabi ko.
"Pasensya na ho, Ma'am, sumusunod lang ako sa patakaran."
"Pero—"
"Bakit hindi ka na lang sumunod sa patakaran ng building na 'to?" tanong ng lalaki sa likuran ko. Hindi ko na kailangang lumingon para makilala ito.
"Nevermind!" inis na sabi ko.
"Akin na," sabi niya saka inagaw ang bulaklak na hawak ko at tinapon sa basurahan. "Maging law abiding citezen naman tayo."
Padabog na pumasok ako sa loob at sumakay sa elevator. Sumabay siya kaya tumalikod ako sa kanya hanggang sa bumukas ang elevator kaya nauna akong lumabas at binuksan ang unit ko.
"Bakit dito ka?" inis na tanong ko.
"Dito rin naman ang daan sa unit ko," sabi nito. "Shortcut."
Dumiretso ako sa kwarto pero napatigil sa pagbukas nang mapansin ang paligid. Puno ng halaman ang lahat ng sulok ng bahay ko. Sa table ay mga rosas sa paso at sa bintana naman ay may mga nakasabit na orchids kaya nagmumukhang flower shop ang unit ko.
"Ikaw ba ang naglagay nito, Orange?"
"You like it?" tanong niya.
"Akala ko ba bawal magpasok ng bulaklak sa building?"
"Ang sabi, bulaklak lang ang bawal like bouquet. Eh, buhay naman ang mga 'to kaya okay lang," depensa nito. "Hindi naman siya malalanta kaya hindi mo naman itatapon sa basurahan."
"Paano mo 'to nadala rito ang lahat ng 'to?" Wala pa kasi ito kanina.
"Syempre pinadala ko sa tauhan."
"Pinapasok mo rito?"
"Bakit? Wala namang masama. Isa pa, ang ganda naman ng pagkakaayos nila. At least may alagaan ka na araw-araw," sabi niya.
"Binigyan mo pa ako ng responsibilidad!" sabi ko.
"Mahilig ka sa flowers, 'di ba? Ayan na oh!" sabay turo sa mga bulaklak at halaman.
Maganda talaga ang arrangement nito at ang fresh lang tingnan.
"Saan 'to galing?"
"Nueva Ecija," sagot niya. "Pina-helikopter namin."
"Binili mo pa?"
"Nope. Mahilig si Tatay sa mga bulaklak at halaman kaya sa bahay na ako kumuha. May malawak kaming garden kaya hindi naman niya malalaman na kumuha ako ng iilan."
"Hindi ka nagpaalam?" bulalas ko.
"Bakit pa? Eh bahay naman namin 'yon."
"Paano kung magalit ang parents mo?"
BINABASA MO ANG
In A Secret Relationship?
HumorHER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kanya pero biglang nagbago ang lahat nang may nangyari sa kanilang dalawa. Paano niya ipaliwanag sa mga...