Unedited...
"Marami-rami na ang nakakita sa asawa ni Orange," sabi ng nasa unahan kong kausap ang tatlong barkada. Nasa canteen ako ngayon at ako ang pumila para bumili ng breakfast dahil wala kaming pasok sa first subject kaya naisipan naming mag-breakfast na lang dahil nagugutom na raw si Geen.
"True. Kalat na sa soc-med kaso wala lang mukha. For sure takot lang sila kay Orange," pagsang-ayon nito.
"Pero ang sabi raw sa nakakita, sobrang ganda raw ng asawa ni Orange kaya patay na patay si Orange."
"Wee? Mas maganda pa kaysa kay Steffi!"
Sarap itulak! Ano ba ang kinaganda ni Steffi? Eh matangkad lang naman siya!
"Oo, sabi ng nakakita sa hotel nang magwala raw si Orange, asawa nito ang hinahanap kaya sinundo sya at nakunan na ng video."
"Hmm? Siguro mayaman ang babae kaya ayaw niya ng public appearance," sabi nito.
Napabuntonghininga ako. Ang dami talagang tsismosa sa mundo. Kung sabagay, hindi naman maiwasan. Minsan ganoon din ako kahit na i-deny ko. Kunwari wala akong pakialam pero deep inside interesado rin akong malaman.
Nang matapos mag-order, bumalik na ako sa table at sabay kaming kumaing tatlo.
"Ano na ang balita?" tanong ni Geen.
"Anong balita?"
"Balita kay Steffi," sagot niya.
"Ay, buhay pa pala siya?" sabat ni Rose Ann.
"Hindi ko alam. Si Orange lang naman ang kinakausap nun," sagot ko.
"Sus, gusto lang niya agawin si Orange sa 'yo. By the way, narinig mo na ba ang balita?" tanong ni Rose Ann. As expected, marites talaga 'to.
"Ano?" excited na tanong ni Geen.
"May ilang investors na nag-withdraw ng investment sa company nina Steffi."
"Oh? Talaga?" natutuwang sabi ni Geen. "Sabi na nga ba eh! Ayan, dahil sa ugali kaya nababawasan na sila ng investors. Maramdaman din nila ang ginawa nila sa CA!"
"At heto pa! Sabi ni Mommy! Maraming gustong bumalik sa CA na designers," dagdag ni Rose Ann. Tamang pakinig lang ako sa kanila pero hindi ko alam ang pinagsasabi nila.
"Really? Buti at alam nila na hindi talaga maganda ang pamamalakad ng nilipatan nila.",
"But here's the catch! Hindi sila tinanggap ng CA!" ani Rose Ann.
"Nice! Pero bakit daw? Kailangan ng CA ang tauhan," ani Geen saka tumingin sa akin. "Ano ba ang sabi ni Tito Ace? Kamusta ang company ninyo?"
"Hindi ko natanong," sagot ko.
"Tanungin mo, gurl! Baka tinulungan kayo ng mga Villafuerte. Kasi di ba, asawa mo na si Orange. Ayieeee!" tukso ni Rose Ann sabay tusok sa tagiliran ko.
"Bunganga mo!" saway ko at ipinagpatuloy ang pagkain.
Ayun, kung ano pa ang tsismis na pinag-usapan ng dalawa.
"Uy, mag-practice pala tayo ng play natin para mamaya," sabi ni Geen.
"Ay, oo nga," sabi ni Rose Ann. "Nandoon na raw sila sa classroom. Tara na, guys. Tayo ang hinihintay eh."
Tumungo kami sa classroom. As one ang play naming magkaklase kaya dapat makipag-cooperate ang lahat. Lahat ng silya ay iginilid nila para malaki ang space namin sa dula-dulaan.
BINABASA MO ANG
In A Secret Relationship?
HumorHER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kanya pero biglang nagbago ang lahat nang may nangyari sa kanilang dalawa. Paano niya ipaliwanag sa mga...