Start

25.4K 200 4
                                    

"Sure Kuya. Whatever you say" Sagot ko kay Kuya at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

The real deal is, nag-asawa na si Kuya. And guess what? Palihim lang ito. Hindi ko nga alam kung bakit nagpadalos-dalos nalang sila ni Ate Sofia eh. 

"T-Talaga?! Kahit na maglampungan kami diyan sa harap mo hindi ka magagalit?" Paninigurado ni Kuya.

Haaays. Ito pa ang isang real deal, dito titira si Ate Sofia. It isn't really a big deal for me since, asawa niya naman iyon. Ang akin lang kasi eh, inasawa niya tapos wala pa silang bahay. 

Mayaman sina Ate Sofia, yun ang pagkakaalam ko. Pero sabi sa akin ni Kuya parang naapakan daw ang pride niya which is very pathetic.

"Oo nga Kuya!" Naiirita kong pag-uulit. 

Napaisip din ako, nandito na ang asawa ni Kuya. Ibig sabihin noon ay hindi niya na ako malalambing katulad ng dati. Napanguso naman ako sa idea na yun.

"Oh? Bakit nakanguso ka diyan?" Lumapit sa akin si Kuya at niyakap ko siya.

"Kasi Kuya, hindi mo na ako malalambing katulad ng dati!" Halos mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Asus. Bunsoy, malalambing pa din kita! Kahit na third year college kana. Yun nga lang, mas mabibigyan ko na ng importansya yung pamilya ko" Sabi ni Kuya habang hinahaplos ang buhok ko.

Kumalas ako sa pagkakayakap at tiningnan si Kuya. "Basta Kuya, 'wag mong kaligtaan na lambingin ako ha!" Pagpapaalala ko dito.

Tumango siya. "Yes, Ma'am." Hinalikan niya ang noo ko.

My brother is the sweetest, napakaswerte ko sa kanya. Siya nalang ang naging pamilya ko simula noong namatay si Mama. We fight pero hindi yun tumatagal. Strikto si Kuya pagdating sa akin kaya nga siguro hanggang ngayon wala pa rin akong boyfriend. 

"I love you, Kuya!" Yakap ko ulit sa kanya at tumawa siya. 

Mamimiss ko ang pagiging fully malambing ni Kuya pero ngayon, may asawa na siya. Mabuti na rin siguro na dito tumira si Ate Sofia parang kumpleto ulit ang pamilya namin.

Living in one-roof with Mr. Yabang ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon