Chapter 22- SELOS?

3.9K 57 1
                                    

MIA'S POV

Dami na ang nangyari the past 2 months ago. NOVEMBER NA! Maraming blessings din ang dumating tulad ng na-promote si Kuya sa trabaho at si Ate Sofia ay 3 months ng buntis. YEY! Magiging Tita na ako! Nagkakamabutihan na din kami ni Terrence at hindi na masyadong nag-aaway. Dami talagang magagandang nangyari that's why I'm so thankful and ngayong November dadalawin namin mamaya sa sementeryo si Mama. Semestral break na kasi naming college kaya, relax dito, relax doon at hindi rin mawawala ang utos dito, utos doon. T.T Malaki na rin si Moonlight, Big Boy na siya at ang bigat pa.

Habang nakahiga ako sa kama at pinagsasaluhan namin ni Moonlight ang lamig ng ulan ay may kumatok sa pinto ko. Agad agad akong tumayo para buksan at kilala niyo naman kung sino. Eh di siya! SIYA! Si Terrence. Nakita ko siyang may dalang baraha.

"Bored?"

Tanong niya sa akin at pumasok agad sa kwarto ko. Umupo siya sa sahig like the usual na ginagawa niya. Sinamahan ko siya sa pag-upo sa sahig.

"Ano naman ang lalaruin natin?"

 

"Unggoy-ungguyan"

 

"Ano yun?"

 

"Hindi mo alam? Scholar ka hindi mo alam? Sus"

 

"Sorry po ha. Konti lang kasi ang kaibigan ko. Hindi katulad sayo marami!"

 

"Hahaha. Ganito yun, kapag nakuha mo na ang mga pares sa set of cards mo, magbubunutan tayo tapos kung sino sa atin ang maunang maubusan ng baraha sa kamay, WINS!"

 

"Ah, eh anong mangyayari sa talo?"

 

"Lalagyan ng mga marker sa mukha, GAME?"

 

"GAME!"

Naglaro kami ni Terrence at sa first round pa lang talo na ako. ANUBEYEN! Hindi talaga ako marunong pero meron ding rounds na talo si Terrence. Nagpintahan kami sa mukha parang mga tanga lang. Somehow, whenever I'm with him I feel so happy. Palagi na akong tumatawa, ngumingiti at higit sa lahat nabawasan na daw yung pagiging masungit ko. Wala na kasing time sa akin si Kuya pero naiintindihan ko na man na kailangan niyang alagaan si Ate na ngayon ay buntis. Kaya si Terrence nalang ang nag-eentertain sa akin at okay naman ako sa friendship namin. Yun nga lang sumosobra na eh, gusto magpahalik sa pisngi pero alam ko naman na biro niya lang yun.

"AAAAAA! Talo na naman ako!"

 

"Hahahaha. Akin na nga yang mukha mo at pipintahan natin!"

 

"Huwag mong damihan, hinayupak ka!"

 

"AYAN! Hahaha. Para kang clown"

 (------> Picture :P)


Living in one-roof with Mr. Yabang ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon