Chapter 28- Christmas Show: Julianna's Kiss

3.4K 61 5
                                    

TERRENCE'S POV

Mamaya pa namang gabi ang Chrstmas Show kaya kahit labag sa kalooban ko na kaduet si Julianna eh pinilit ko nalang ang sarili kong mag-practice. Sanay naman ako na kumanta kasama siya dahil noong bago pa sila lumipat sa London ay gumagawa na kami ng song covers. I was 14 and she was 12. Bata pa kami magkakilala na dahil friends ang parents ko sa parents niya.Pero hindi ko pa nakita ang Dad niya dahil busy daw sa trabaho. I can say she is a bit spoiled kasi nga sa pagkaka-alam ko only child lang siya. 

"Terrence, its good to see you after all these years"

 

"Magsimula na nga tayo bago pa ako bumack-out sa performance natin"

Dedma kong sagot. Sa totoo lang gusto ko sanang maka-duet si Mia eh. Kaya lang nalaman ko pala na scholar siya at iba ang performance ng scholar sa hindi scholar so wala na ang magagawa kundi sundin ang nasa program.

"Okay, but before that ano ba ang kakantahin natin?"

 

"Kahit ano basta related sa christmas"

 

"What? Ang boring naman. I'm sure christmas related din ang kakantahin ng iba. Dapat maiba tayo para agaw pansin"

 

"Julianna, Christmas Show ito hindi Showtime kaya umayos ka nga. For God's Sake"

 

"Fine. Ikaw naman kung magalit parang hindi tayo magkakilala mula bata"

 

"Lets Start na"

 

"Okay"

We searched the net for songs we might sing for the show. Sa dinami-dami ng pwede naming kantahin eh siya talaga ang nasunod. I know late na kaming mag-praktis kaya ang pinili nalang namin ay yung nagawan na namin ng cover kaya madali din kaming natapos.

"Okay, what should we wear"

 

"Ikaw na bahala, ikaw naman ang nasusunod eh"

 

"I was thinking of couple shirt"

 

"Pulang t-shirt nalang tapos santa hat"

 

"Okay, at least you've suggested something nice"

 

"Sige uwi na ako"

 

"Gusto mong magpahatid?"

 

"Wag na"

***

MIA'S POV

Living in one-roof with Mr. Yabang ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon