Chapter 2- Humanda ka Terrence Lee

7.6K 113 1
                                    

MIA's POV

Umuwi ako ng bahay na sobrang badtrip. Half day lang kasi ang pasok namin sa school at sana nga dito nalang ako naglunch sa bahay. Kung nagkataon din na dito ako sa bahay naglunch hindi ako nabastos ng gagong Terrence na yun.

TERRENCE EMMANUEL LEE

Sikat daw eh, pero gaya nga ng sabi ko kay Pau hindi ko kilala yang si Terrence na yan. Nakakainis, nakakabanas at higit sa lahat ang yabang yabang niya.

Napansin ni Kuya na badtrip ako kaya't pinaulanan ako ng mga tanong. Hindi ko siya pinansin, gusto kong kumalma. Nakakainis talaga eh!

"Bunsoy! Kung ano man yang ikinagagalit mo, sabihin mo sa akin!" Panay ang sundot niya sa braso ko. Kinukulit niya ako para sagutin ko siya, well unfortunately nabigo siya.

Umakyat na ako sa kwarto ko para magbihis. Napahiga ako sa higaan ko at naramdaman na nagvibrate ang cellphone ko. Kinapa ko ang cellphone na nasa bulsa ko at kinuha ito.

Mensahe galing kay Pau. What? Tatanungin niya nanaman ba kung okay lang ako? Psh.

'Mia, aatend k b sa acquaintance party?'

Napabalikwas naman ako sa pagkakahiga. Acquaintance party? Don't tell me aattend siya? She hats parties. Acquaintance party na magtatapos na ang semester? Kalokohan.

Binalewala ko ang text na yun at hindi na nireplyan. Hindi ko din naman alam kung ano ang isasagot doon sa tanong niya. Humiga ulit ako sa kama para itulog itong pagkainis ko.

Umaga na ng linggo ako nakagising, mabuti nalang at maaga pa akong nagising dahil magsisimba kami ni Kuya. Naligo ako at nag-ayos na. Nahagilap ko ang presensya ni Kuya na nakaayos na upang magsimba.

Sakay ng sasakyan namin ay nagtungo na kami sa simbahan. Medyo luma na ang sasakyan namin at ito ang sasakyan ni Mama bago siya mamatay. We treasure this a lot, si Kuya talaga ang naging responsable sa pag-aayos nito. Sa lahat ng sira ay pinapaayos niya o inaayos niya. Lagi niyang inaalala ang mga bagay na pag-aari ni Mama dahil para sa kanya si Mama lang ang magulang namin.

Pagkatapos naming magsimba, napagdesisyunan ni Kuya na maglinis para sa pagdating ni Ate Sofia next monday. Hindi na rin kasi nalilinisan ng maayos ang bahay dahil busy din ako sa pag-aaral at si Kuya sa kanyang trabaho.

Dito sa bahay na ito ako nagkafirst steps, first words at halos lahat ng first ko sa buhay ay saksi ang pamamahay na ito. Saksi din ang bahay na ito noong iwan kami ni Papa. Bata pa ako noon pero sa kwento ni Kuya parang ang laki ng kasalanan nito.

Nililinisan ko ang sala samantalang si Kuya ay sa kwarto niya at sa kwarto ni Mama. Magiging kwarto na nila yun ni Ate Sofia dahil medyo masikip para sa kanilang dalawa ang kwarto ni Kuya.

Napangiti naman ako habang nililinisan ko ang mga picture frames na inaalikabukan na.

"MIA!" sigaw ni Kuya at napatingin naman ako sa kanya sa itaas na kitang-kita na hinihila ang sofa papalabas ng kwarto ni Mama.

"Po?"

"Tulungan mo nga ako dito" Sabi niya at tumakbo na ako papunta sa kanya.

Tinulungan ko siyang hilahin ang sofa. "Ewan ko ba sayo Kuya kung bakit kailangan talagang kunin mo itong sofa papalabas ng kwarto ni Mama"

"Kailangan ko ng space. Kailangan namin ng space. Masikip doon sa kwarto kapag may sofa eh" Paliwanag niya sa akin.

I rolled my eyes at him."Ay Ewan."

Naupo ako sa sahig ng sala pagkatapos naming malinisan ni Kuya ang buong bahay. Si Kuya ay naupo din sa tabi ko at natawa siya.

Inakbayan niya ako. "Salamat Bunsoy ha? Very supportive ka talaga" Sabi nito and I can't help but to smile.

Natayo ako ng naramdaman kong tumunog ang tiyan ko. Nagutom yata sa kakalinis. Kumaripas ako ng takbo sa ref at kinuha ang grahams na ginawa namin ni Kuya kanina lang. Malamig na siya at pwedeng kainin.

I took a small plate of it at nilantakan iyon. Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko at nakitang nagtext si Pau.

'Mia, asan k ngyon? Humanda k dw ky Terrence kc sinumbong mo sya sa Kuya mo'

Eh? Paano naman nalaman ni Terrence na isusumbong ko PALANG siya kay Kuya?

'Paano nman nya nalaman na isusumbong ko sya?'

Reply ko dito na may halong pagtataka. Mabilis din na nagreply si Pau sa aking text sa kanya at halos itapon ko sa lababo ang cellphone ko.

'Cnabi ko kc sa knya. Sorry Mia. sorry! T_T'

'Nak ng! Bakit niya sinabi? Talagang si Pau ang magbibitay sa akin sa kapahamakan no?

'Bkit mo sinabi?! >

Reply ko sa kanya at doon na ako nawalan ng ganang kumain.

'Eh kc, noong umalis ka na kahpon natumba ako dahil sa kagagawn nya. Binully niya ako pro hndi aq nagpabully syempre. Kaya ayun, nagpadalos-dalos ako sa sinabi kong sinumbong mo siya s kuya mo'

Paliwanag ni Pau. Napafacepalm naman ako. Sa lahat ba ng pwede kong makabunggo bakit ang apo pa ng may-ari ng eskwelahan namin? Yes, nireaserch ko siya. Yun ang impormasyon na nahagilap ko galing sa kanya. Pero seryosong usapan, palagi ko naman siya nakikita sa school pero never in my college life ko siyang kinilala bilang may-ari ng eskwelahang pinapasukan ko.

Naging classmate ko din siya sa iba't ibang subjects. Basically, math. Di ko alam kung ano kurso nun eh.

'Sorry talaga, Mia. Sorry.'

Text ulit ni Pau. Great! So ano na? Maghahanda na ba ako para sa gagawin ni Terrence sa akin. I heard he is the school's bully and hearthrob. Bully na hearthrob? Preposterous. Napaka-ironic! Paano naging hearthrob ang isang conceited, arrogant, at walang hiyang lalaki na katulad niya? Now who is the bluffer here?

Umismid ako. Huh! Ako matatakot sa lalaking yun? Guess what? May back-up kaya ako. Now let us see, kung sino ang maghahanda o matatakot sa ating dalawa?


A/N:

Vote.Comment.Share.Add

~Lablaaaaaats :""""">

Living in one-roof with Mr. Yabang ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon