Chapter 23- Sick Day: Sweetness Overload ♡

3.9K 70 6
                                    

TERRENCE'S POV

Umalis si Ate at Kuya sa bahay para magpa-check-up. Akalain ba naman na magiging tito na ako? Ibig sabihin nun, MORE BANTAY -____-" Pero okay lang as long as mabait yung bata. Umalis si Ate at Kuya so it means kami namang dalawa ni Mia ang naiwan sa bahay. Is it me or sinasadya talaga ni Ms. Author na maiwan kami sa bahay para makagawa ng sweet things? Naa, SWEET THING? Eh papano? Nandito ngayon sa bahay ang tungak na si Kyle. Nagpapaturo lang naman. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagpapaturo pa din siya kahit ang galing-galing niya. I smell something ISDA! Pfft.

Pinause ko muna ang pinapanood kong movie. TSS. Boring talaga kapag hindi ko kasama si Mia sa pagnood ng mga movies. Alam niyo ba kung bakit? Saan ka ba naman makakakita ng babaeng umiiyak kahit na happy ending yung movie. Trolol. Mapapatawa ka talaga sa kanya. Eh heto pa ang isa, binabangayan niya yung mga taong nakatakas na nga sa mga villains ay nagyakapan pa, Minsan nga minumura niya pa. Heto, last nalang. Saan ka makakakita ng babae na comedy na comedy napapaiyak sa tawa. May ganung babae ba? NichikoX3, ikaw ba ganun din?

Napahiga ako sa kama at tumunog ang tiyan ko. TSS. Gutom na naman ang mga betus ko.hahaha. Pakainin na nga natin para hindi mag-ingay. Bumaba ako sa kusina at rinig na rinig ko ang mga tawa ni Mia at Kyle. Shoot, bakit ang saya ni Mia? Habang binubuksan ko ang ref at nagha-hunting ng pagkain narinig kong pinick-up line ni Kyle si Mia.

"Mia, si Totoro ka ba?"

 

"Bakit naman?"

 

"Kasi parang ikaw ang mag-TOTORO sa aking magmahal"

 

"Ganun? Ang Chaka mo!"

Uggh! Sa tawa niya palang parang kinikilig na siya. Ang taas ng level ng lalaking yun aa. Naisipan kong gumawa ng sandwhich para kay Mia, dahil alam ko na hindi na siya makakatayo sa pagiging HINAYUPAK ni KYLE! As I ate my own sandwhich I delivered a plate of sandwhich sa lamesa ng Living room. Nagulat siya at napatingin sa akin. I smirked and left.

"Terrence, THANK YOU!"

Shoot. Mia! Bakit mo ba pinapabilis ang tibok ng puso ko? Yan tuloy pati arteries ko napapasayaw.

"Mabuti ka pa Moonlight! naalala mo pa ako! Yang Mommy mo, Hindi na nga maka-alis sa kinauupuan niya!TSS"

Kinausap ko ang aso na parang TANGA! Totoo naman kasi, nabwe-bwesit na ako sa Kyle na yan. Simula pa noong Acquaintance Party, kumukulo ang dugo ko sa kanya. Hindi ako magdududa na may gusto siya kay Mia.

Tiningnan ko ang oras at mukhang hindi pa talaga nakakainis yang Kyle na yan! Naba-bad trip na talaga ako. Kaya lumabas ako sa kwarto at nakitang kakalabas lang ni Mia. I went downstairs at sinalubong ako ni Mia ng matamis niyang ngiti. Nakakatunaw talaga. Dumiretso siya sa kwarto niya at kinuha si Moonlight.

***

MIA'S POV

Sht. Swerte ng babae na magiging girlfriend ni Kyle. Sa mga banat niya pa lang, kikiligin kana talaga. Alam ko na ganun siya ka-sweet pero sa totoo lang hindi ko siya type. Parang bagay sila ni PAU. Wala lang kasi sa katigasan ni Pau baka mapalambot siya ni Kyle gamit ang mga cheesy banat nito. Parang kapatid lang ang turing ko sa kanya kaya kung magiging kapatid ko siya? I-push mo lang teh! I-push mo na! Tahaha.

Living in one-roof with Mr. Yabang ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon