Time check: 6:00 am
Saturday
Gumising ng maaga si Mia para maghanda ng almusal para sa kanilang dalawa ng kuya niya.
Nagluto siya ng dalawang sunny-side up na eggs at apat na hotdogs. Naghanda din siya ng orange juice.
Nilagay niya ito sa isang tray at pumunta sa kwarto ng kuya niyang natutulog.
***
MIA'S POV
Naisipan kong gawan si kuya ng breakfast in bed dahil alam ko na next week ay dito na titira ang asawa niya--si Ate Sofia.
Kasal na ang kuya ko last 2 weeks ago, hindi naman engrande ang kasal sa Mayor's office lang. Ganun talaga siguro ang love noh? Kahit wala kang pera gagawin mo ang lahat para mapakasalan mo ang mahal mo.
"Good Morning kuya"
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto niya at nilagay sa study table niya ang tray na may nakahandang breakfast. Sarap ng tulog ni Kuya ah parang magdamag itong nag-chat sa asawa niya kagabi sa Skype, alam mo naman yun hindi maka-tiis na hindi makita ang asawa niya kahit nagkikita naman sila sa mall araw-araw.
"Oh? Anong drama mo at dinalhan mo ako ng breakfast Bubwit?"
angal ni kuya habang nakahiga pa rin.
"Ang feeler mo talaga kuya! Para sa akin to!"
Sigaw ko at pumunta sa study table niya at kinagat ang isang hotdog.
"EEEEH? Pakipot ka pa! Yung totoo, mamimis mo ako no?"
Sabi ni kuya at tumayo sa pagkakahiga.
"Bakit naman kita mamimis eh, nasa isang bahay lang naman tayo! IKAW YUNG MA-DRAMA KUYA!, Bleh!"
Banat ko at dinilaan siya!
Kinurot ako ni kuya sa pisngi at kinisan ang noo ko.
Kinain niya na yung pagkain na hinanda ko para sa kanya.
Habang nagbre-breakfast kami sa kwarto niya ay may natandaan ako at tinanong ko ito sa kanya.
"Kuya?"
"Yes Bunsoy?"
"Miss kaya tayo ni Papa?"
"Bakit mo ba ina-alala si Papa ha, Bunsoy?"
"Wala lang kasi diba noong namatay si Mama hindi man lang siya pumunta sa burol ni Mama"
"Bunsoy, hindi niya na tayo mahal. 4 years na ang nakakalipas at nakapag-move-on na nga ako eh, eh ikaw parang hindi pa"
"Nakapag-move-one na po ako! Bleh!"
"Basta ang mahalaga ay yung tutuparin ko ang pangako ko kay Mama na pagtatapusin kita ng pag-aaral at aalagaan"
At hinimas niya ang buhok ko.
"Paano naman yun eh, may asawa kana baka nga next year may anak kana"
Sumbat ko at nagpanghawakan.
"Mia, Mia, Mia, 1 year nalang. 1 year nalang talaga!"
Sigaw ni kuya.
Pagkatapos namin kumain ay naghugas ng pinggan si kuya at heto ako kakatapos lang maligo kailangan pumunta sa school eh may saturday classes kasi kaming mga 3rd year College students.
***
"Mia!"
Sigaw ni Pauline sa akin habang kumakain ako sa cafeteria.
"Ano nanaman?"
Sabi ko habang may naka-subong tinapay sa bunganga ko.
"Alam mo ba na may bagong girlfriend nanaman ang crush mo?"
Hindi ako makapag-salita, hindi dahil sa nalaman kong balita kundi sa laki ng tinapay na sinubo ko sa bunganga ko.
Kinuha ni Pauline ang tinapay sa bunganga ko.
"So? Any reactions?"
"Wala. Wala akong ma-say bebe, what do you expect? Babaero naman talaga yun!"
"So? No reaction?"
"Wala nga. Paulit-ulit Pau?"
at tinaas ko ang kamay ko na parang yung movement ng kamay ko ay nagtatanong.
Splash!
"SHT! Ano ba?!"
Nagulat ako sa sigaw ng isang lalaki at lahat ng students sa cafeteria ay napatingin sa amin.
Napatingin ako sa likod ko at
OMAYGAAAAD!
Basang-basa ng juice at maraming spaghetti ang natapon sa kanya.
Nilapag niya ang tray niya sa sahig at mukhang galit na galit. Syempre galit, ganon ba naman ang PES mo hindi ka magagalit.
Nanginginig ako sa takot baka anong gawin niya sa akin.
Nilapitan niya ko,
Closer.
Closer.
Closer.
Sa sobrang lapit ay napa-upo ako sa pagkakatayo ko.
Closer.
Sheeeeks, sa sobrang lapit hindi ko na pinansin ang dumi sa mukha niya dahil sa sobrang gwapo niya.
Hep, Hep. Hindi siya yung crush ko. Pero bakit bumibilis ang takbo ng puso ko.
Ohmaygaaaad, Lupa lunukin mo na ako.
Nagtitigan lang kami siguro mga 5 mins na titigan.
Wala ni isang nagsalita sa amin. Pati ang mga students sa cafeteria ay natahimik din.
Nagulat nalang ako ng bigla siyang nagsalita.
"Sa susunod kasi Miss, mag-ingat ka!"
Haaaaay! Nakakatunaw ang tingin niya. Sarap na sana kaso, bigla niya akong dinuraan.
"Para sayo yan! Sobrang Tanga mo kasi!"
Sabi niya at parang pissed off na pissed off siya.
SYEEEETTEEE DOS MIL ONSE! Ang bastos nun ah. Dinuraan ba naman ako sa mukha!
Ang BASTOS!
GWAPO KA SANA KUNG MAGALANG KA LANG!
CHE!
Pinunasan ni Pauline ang mukha ko.
"Uy ateng, okay kalang?"
"Okay? Pau gusto mo duraan kita sa mukha tapos tatanungin kita kung okay ka lang, gusto mo?"
"Pasensya naman!"
"Humanda sa akin yang lalaking yan! Sobrang yabang kala mo kung sinong sikat!"
"Ateng Mia, sikat naman talaga siya"
"Ganun ba? Kung sikat siya bakit di ko siya kilala? Sino ba ang HINAYUPAK na MOKONG na yan ng masumbong sa kuya ko!"
"Si Terrence Emmanuel Lee"
A/N:
Vote.Comment.Share.Add
~Lablaaaaaats :""""">
BINABASA MO ANG
Living in one-roof with Mr. Yabang ♡
FanfictionMia always has those strong and defensive way to interact with boys except from his brother. Being defensive leaded her to encounter the school's hearthrob slash bully named Terrence Lee. Terrence Lee is the grandson of the school owners. Having t...