MIA's POVPapasok palang ng campus ay nanginginig ang mga binti ko. Kinakabahan ako sa mga maaring gawin ni Terrence sa akin. But then again, bakit nga ba ako kinakabahan? Siya yung walang hiyng nandura sa mukha ko.
Lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin, as if parang kriminal ako na pumatay ng masa. Binalewala ko nalang yun dahil hindi naman ako mabubusog sa mga tingin nila. Nagtungo na ako sa classroom namin at may tumpukan ng mga babae malapit sa upuan ko.
Naupo na ako sa upuan ko at narininig kong nagchihismisan sila. Una, hindi ko pinansin yung mga pinag-uusapan nila pero ng makarating na sila sa topic na Terrence...I can't help but to listen.
"Ano ba ang gagawin ni Terrence sa kanya?" Tanong ng babaeng kulot ang buhok.
"Hindi ko nga alam eh. Sabi sa akin ni Terrence ay manahimik nalang daw muna ako. Well, I trust my baby" Humalakhak yung babaeng maikli ang buhok.
"Let's all trust Terrence!" Tili ng mga babae.
I rolled my eyes. Ang aarte. Let's all trust Terrence daw? Kalokohan.
"Paano kung ipaexpel siya dahil sa ginawa niyang pagpapahiya kay Terrence?" Tanong ng Kulot-Salot. Napatingin naman ako sa kanila. Ako ba ang pinag-uusapan nila?
"Edi ipaexpel. Its not the school's loss." Irap ng babae.
Expel?! Biruin mo na ako ng kahit anong biro wag lang ang expel-expel na yan! Sana naman hindi ako pinag-uusapan nila. Imposible naman na ako lang ang nakaengkwentro ni Terrence. Kumapit ako sa kaisipang yun hanggang sa...
"Tiu! Pinapatawag ka daw sa Dean's Office!" Sigaw ng lalaki kong classmate.
Agad naman akong napatayo sa kinauupuan ko. Nagwala ang puso ko sa aking dibdib dahil sa kaba. Ito na ba yung sinasabi nilang expel? No! Sana naman hindi!
Lahat ng mga mata ang nasa akin lalo na yung babaeng maikli ang buhok, yung nagsabi about doon sa expel expel. Kinakabahan tuloy ako. Paano kung totoo?
Huminga ako ng malalim bago ako kumatok sa dean's office. Sinalubong ako ng secretary ng dean namin. Nakita ko mula sa glass ang presensya ni Terrence na parang nagagalit sa dean namin. Wait! Pinapagalitan niya ba ang dean?!
"Pumasok kana, ija." Sabi ng secretary ay sinunod ko naman siya.
Pagpasok ko doon ay umalingawngaw ang boses ni Terrence. "I want her, expelled!" Turo niya sa akin.
"P-Po?!" Hindi naman ako makapagreact sa sinabi nitong gagong 'to. Is he making a request?
"Terrence, calm down. Umupo ka muna. Mia, dito ka. Sit here." Sabi ng dean.
Kilala na ako ng dean dahil minsan akong naging working student sa dean office kaya lang since third year college na ako mas minabuti na nilang 'wag akong patrabahuhin dahil busy na ang schedule ko.
"Mia, ano ba ang side ng story mo?" Tanong ng Dean sa akin.
"Uhm, aaminini ko po may kasalanan din naman po ako. Kasi hindi ako tumitingin sa dinadaan ko kaya po, natapunan ko siya ng juice. Pero hindi ko po sinasadya yun. Magpapasorry na sana ako pero dinuraan niya po ako!" Parang nasa korte ako kung magbintang. Eh sa totoo naman ang sinasabi ko eh.
"Liar!" Biglang sabi ni Terrencr na ikinainit ng ulo ko.
"Ay talaga?! Ako pa ang sinungaling sa ating dalawa?! Kabanas ka ah! Di mo alam kung ilang ulit ko hinugasan ang mukha ko dahil sa laway mo!" Hindi ko na nakontrol ang sarili ko at napatayo na ako.
"Ah talaga?! Alam mo, maganda ang reputasyon ko sa eskwelahan na ito, hinding-hindi ko gagawin yan sa mgaschoolmates ko! Tanungin mo pa si Dean!" Tumingin kaming dalawa kay dean na halos natatakot ang itchura.
"C-Calm down, pwede?" Nauutal na sabi ni Dean.
Sumunod naman kami kay Dean kaya't nakahinga siya ng malalim. Huminga din ako ng malalim dahil sa pasakit na binibigay nitong si Terrence. I glared at him.
"Okay. Since wala naman ako doon sa pangyayari at katulad ng sabi mo, Mia ay dinuraan ka ni Mr. Lee ay ikaw ang biktima dito ngunit para fair, magcocommunity service kayong dalawa." Ngiti ng dean pero Wait? Community Service?
"WHAT?!" "ANO?!" Sabay naming sabi ni Terrence.
"W-Wait! You mean to say we need to clean?!" Nauutal na sabi ni Terrence na parang ultimo takot sa dumi.
"I'm okay with it." I shrugged. Naisip ko din na mas okay na ang community service kesa sa expel diba?
"What?! Ayoko!" Protesta ni Terrence.
"Terrence, pareho lang kayong biktima dito." Sabi ng dean.
"Baka nakakalimutan mo, pag-aari namin ang eskwelahang ito. Fine! Do anything you want. I dont care! Once my lola hears about this, you Sir will be the one expelled here!" Tinuro niya at sinamaan ng tingin ang dean na parang superior siya. Napalunok naman ang dean at saka na din lumabas ng office si Terrence na galit na galit.
Naestatwa naman ako sa kinauupuan ko. Sa inakto ni Terrence sa dean ay parang hindi itk natatakot. Teka, bakit naman siya matatakot eh sila ang may-ari ng eskwelahan na ito.
"Sir? okay lang po ba kayo?" Tanong ko sa dean na niluwagan ang necktie nito.
"Oo, Mia. Makakaalis kana" Sabi nito at lumabas na akong nag-aalala.
Paano kung yung dean ang mapahamak sa hindi niya pagexpel sa akin? Walang hiya talaga yung Terrence na yun.
Pagkalabas ko ng dean's office ay may biglang humablot sa braso ko. "A-Aray!" Lumaki ang mata ko ng nakita ko si Terrence
"Maybe today you've won pero hindi kita tatantanan" He darted glares at him.
Natawa naman ako sa kanya. "Mike Enriquez? Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko pero grabe ang hawak niya sa braso ko.
"Tumawa ka lang ng tumawa, Mia" He smirked.
"Bakla ka ba?" Tanong ko sa kanya at parang demonyo siya.
"Alam mo kahit paulit-ulit mo pang sabihin yan, hinding-hindi kita hahalikan!" Aba! Wala akong sinabing ganoon! Binitiwan niya na ako sa kanyang hawak at umalis na.
Despite of that, nagtatapangtapangan lang ako dahil sa kalamnan ng sistema ko, sobrang takot na takot ko.
Ano ba itong gulong pinasok ko?
Nako.
A/N:
Vote.Comment.Share.Add
~Lablaaaaaats :""""">
BINABASA MO ANG
Living in one-roof with Mr. Yabang ♡
FanficMia always has those strong and defensive way to interact with boys except from his brother. Being defensive leaded her to encounter the school's hearthrob slash bully named Terrence Lee. Terrence Lee is the grandson of the school owners. Having t...