Chapter 24- Understanding the inner her.

3.7K 61 4
                                    

MIA'S POV

Ordinary Day nanaman para sa amin dito sa bahay. Bumaba ako sa living room para maghanap ng trip ngayong hapon. Nakita kong nanonood ng TV si Kuya kaya tinabihan ko siya.

"O bubwit, bakit?"

"Wala po, hindi ba pwedeng tumabi sa kuya ko?"

 

Inakbayan ako ni Kuya at niyakap ko siya ng mahigpit. I looked at him and he kissed my forehead.

"Love you, Bunsoy"

"Love you too, Kuya!"

"Mmmm, miss ko ng amuyin ang bunsoy ko!"

"Kuya naman eh. So, kamusta na si Ate?"

"Tulog siya sa itaas"

"Kuya, alam ko na-proud na proud si Mama sayo."

"Bunsoy talaga!"

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto sa taas pero hindi namin pinansin ni Kuya.

"Jeremy"

 

Lumingon agad si Kuya at pinuntahan si Ate na bagong gising.

"Excuse bubwit ha"

"Daan na kuya,daan na!"

"Kaw talaga!"

Lumabas ako ng bahay at naisipang pumunta sa park. Parang gusto ko mapag-isa pero kailangan ko ng kausap. Tanga lang eh no?

Pagdating ko sa park ay umupo ako sa bakanteng bench. As I took a seat, may nakita akong magpamilya na nagpi-picnic. Ang saya saya nila, sarap siguro ng pakiramdam na kumpleto ang pamilya.

"Miss mo siya no?"

I snapped my face sa lalaking umupo sa tabi ko.

"Terrence?"

Hindi naman ako magtataka kung bakit pinagtatagpo kami ni Ms. Author este ng tadhana pala.

"What are you doing here?"

"Sinasamahan ka"

"Gusto ko mapag-isa"

"Bakit? Emo?"

"isa pa Terrence! Babatukan na kita!"

Living in one-roof with Mr. Yabang ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon