Chapter 38- Kaila?

2.5K 45 6
                                    

MIA'S POV

Searching for some books in the library to replace the thoughts that kept wandering in my mind. Hindi pa rin maalis sa isip ko kung sino ang nagpadala ng package. Wala naman akong naalala na pinagtaniman ko ng galit o naging kaaway. Ang talagang pinagtataka ko ay kung paano niya nakita ang doll ko na almost 10 years na nawawala. This secret sender is really freaking me out.

Lumabas ako ng library at pumunta sa chapel ng school namin. Pumunta ako doon para magdasal na kung sana bigyan ako ng clue kung sino ang nagpadala ng package. Suddenly, out of nowhere habang nagdadasal ako tumunog ang cellphone ko. Unknown Number ang tumatawag. Bilis sagutin ni Lord ang dasal ko.Da best ka talaga, Lord.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sinagot ko na ito ng madalian.

"Hello?"

"Mia! Si Terrence to!"

Tsk. Akala ko pa naman kung sino. -.-

"Terrence, bakit iba yung number na ginamit mo?"

"Nakitawag lang kasi ako, naiwan kasi sa bahay yung cellphone ko. Sorry. Saan ka ba? Sabay na tayo mag-lunch"

"Nasa Chapel ako"

"Sige jan ka lang. Hintayin mo ko"

Tumayo ako sa pagkakaluhod at lumabas ng chapel. Tss. Akala ko yung clue na. Di bale na basta ang nasa isip ko ngayon ay gutom na ako. Habang hinihintay ko si Terrence sa labas ng chapel, nakita ako ni Julianna.

"Mia! Bakit ka nandito?"

"Hinihintay ko kasi si Terrence eh"

"Ganun ba? Sige hintayin mo lang siya jan"

"Hahaha. Pakisabi nalang kina Pau na hindi ako makakasabay sa kanila"

"Sure. Ciao!"

Kumekembot ang pwet niya habang naglalakad. Bagay talaga maging model.

I slipped on the headphones in my ear. Music Music din habang hinihintay siya. As I listen, I read. Boring kasing maghintay eh. Habang binabasa ko ang rinecommend sa akin ni Jude na book, napa-isip ako na malapit na kaming mag monthsary ni Terrence. Grabe parang ang dali lang, parang kahapon ko lang siya sinagot tapos ngayon 1 month na kami. Yung totoo? Ang bilis pa umikot ng earth?

Halos kalahating oras na akong naghihintay dito sa chapel, bakit wala pa rin siya? Pasalamat siya at wala akong class after lunch break. Matawagan nga. Wait. Sht. Naiwan pala yung cellphone niya. Napatayo ako sa pagkakairita at napakamot sa ulo. Nasan na ba yun?

"Miaya?"

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Jude na naka-headphones.

Living in one-roof with Mr. Yabang ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon