Chapter 3: The arrival

5.6K 175 7
                                    

Emma P. Matias POV


" Kumusta yung interview mo?" tanong ni tita.

"Okay naman po...tanggap na nga po ako" sagot ko sabay subo ng pagkain ko kasalukuyan kasi kaming kumakain ni tita.

"Mabuti naman kung ganun" sabi ni Tita sabay tango.

"Yun nga sana po ang ipagpapaalam ko.." tumingin ako kay Tita tapos nagsalita ulit.

"Kailangan po kasing stay in yung trabaho ko...tapos bukas na din po dapat nandun na ako kailangan na po talaga nila ng magaalaga dun sa bata..okay lang po?"

"Ganun ba, sino na nga ulit yung amo mo?.." tanong ni tita.

" Uhm!...Si Sir Miguel Asuncion po..." sagot ko sabay tingin kay Tita na natigilan sa paginom.

"Sabi niya nga po pagaaralin niya din ako.." tuloy ko sa sinasabi k, hindi naman umimik si Tita kaya nagsalita na lang ako ulit.

" Ayos lang po ba kung dun na ako titira?.." tanong ko.

Kaso mukhang di ako narinig.Nakatitiglang sa akin tapos ang putla ng mukha.

"Tita okay ka lang po ba? "

"H-ha??...O-Oo naman, malaking tulong na din yun kahit paano. Pasensya ka na at hindi din kita matulungan kulang pa kasi kinikita ko sa pagaaral ni Matt. " sagot ni Tita.

Hala! anong nangyari kay Tita bakit parang natetense siya.

Tinanong ko lang kung okay lang ba siya napunta na kay Kuya Matthew.Nagkakatol din siguro si Tita.

******

"Kung may problema tumawag ka lang sa office, okay... Kung pinapahirapan ka ng mga kasama mo dito sa bahay sabihin mo lang sakin.." bilin ni Sir Miguel habang papasok yung kotse na sinasakyan namin.
Wow! lang ang laki ng bahay...

Tumango lang ako may sinabi pa siya pero hindi ko na narinig busy kasi ako s paglibot ng mata ko sa labas ng kotse.

"Kita mo ba yan baby?...Yan ang magiging bahay mo. Tapos kapag malaki ka na maghahabulan tayo dun.." bulong ko kay baby na kalong kalong ko sabay turo sa may hardin na green na green.

"Hija, naririnig mo ba ako?.." tawag ni Sir Miguel sa akin.

"P-po?!.." gulat kong tanong.

"Ang sabi ko,if anything happens here just let me know.." ulit ni Sir sa sinabi niya.

"Opo, wag po kayong magalala magaling po akong magalaga ng bata.Wala po kayong poproblemahin sakin...Promise" sabi ko sabay ngiti.

Natawa na lang sakin si Sir Miguel.
Halaka,siya sabog ba si Sir tawanan daw ba ako.

"You really remind me of someone.." nakangiti ding sabi niya.

Tumango na lang ako ulit tapos lumingon sa labas.Nandito na pala kami.

"And one more thing Emma, I'd like you to report to me in everything that's going on in this house.Understand?" pahabol ni Sir bago lumabas ng kotse.

Me,The GANG and THE BABY?????Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon