Chapter 20: The heirs and her friends.

4K 105 10
                                    

Dedicated to @reddeathireen

-- thank you for adding my work in your reading list (^___^)

** Sinchi note:
-- nga pala nakalimutan kong sabihin sa last chap. UD ko...Jin Jonas na pangalan ni Jin ...it's for my beloved friend Blue crush niya kasi si Jin at Jonas yung real life crush niya hehe. Kaya ayan Jin Jonas na hoho (^___^)
Ayun lang hope you like this one.. (^___^)








Emma P. Matias POV



Tapos na akong magluto at naisipan kong umakyat na muna para makapagpalit at tawagin na si Jin nasa baba na si Gummy. Binilin ko muna kay Rye siya lang naman pwede kong pagbilinan kay Gummy eh. Nagprisinta yung kambal kaso hindi ako pumayag baka kung ani ipakain sa kanya eh.

Gaya ng sabi ko idadaan na lang namin sa kain yung nangyari sa simbahan. Nagulat at natakot ako para kay Gummy kaya napaiyak ako at bigla ding pumasok sa isip ko sila mama.
Papunta na ako sa kwarto namin ng makita kong bukas yung kwarto ni Jin kaya sumilip ako.

Napakunot noo ako dahil mahina naman yung aircon pero balot na balot siya nung comforter niya. Pumasok ako ng hindi nagsasabi sa kanya.

" J-jin ayos ka lang?..." alangang tanong ko kasi baka magalit dahil basta na lang ako pumasok.

Hindi siya umimik kaya lumapit pa ako at nasa paanan na ako ng kama niya.

" E-emma, a-anong g-ginagawa mo d-dito?.." nanginginig na tanong niya.

" Aayain sana kitang kuma--.." hindi natuloy yung sinasabi ko may napansin kasi ako sa kanya. "..Jin may sakit ka ba?.." tanong ko din at akmang lalapit na sana sa kanya.

" NO!.." pigil niya sa paglapit ko sa kanya. "...DON'T. Don't come near me Emma...Please. Don't..." umiiling niyang sabi habang nakapikit at nanginginig pa din.

" Pero Jin..." pilit ko.

" No, please...I can't stand it just don't..." sabi niya at tumago sa ilalim ng comforter niya.

" Nilalagnat ka eh. Alangan namang pabayaan kita.." paliwanag ko.
Oo, nilalagnat siya. Hindi ko na kailangan pang salatin ang noo niya. Sa pamumula pa lang ng pisngi niya at sobrang pagiginaw niya halatang may lagnat na siya.

" Hayaan mo na ko...Sige kumain ka na dun. Kaya ko to'..." taboy niya.

" Wag ng makulit. Hintayin mo ko dito kukuha lang ako ng gamot at gagawan na din kita ng soup. Diyan ka lang wag kang aalis..." bilin ko bago umalis.

Kunot noong nakatingin sakin sila Denver dahil nagmamadali kasi akong maghanda ng gagamitin ko sa paggawa ng soup ni Jin.
Hindi ko muna sila pinansin kailangan kong magmadali baka mapano yung isa na yun eh.

" Emmabee, ayaw mo ba itong niluto mo at nagluluto ka ulit?.." tanong ni Hayden habang sumusubo.

" Nasaan si Jin?.." tanong na kararating lang na si Schyler at umupo sa dati niyang pwesto niya.

" Para kanino ba yan?.." kunot noong tanong ni Aki.

Wow! Pinansin niya ko.

" Ano ba yang niluluto mo?.." tanong naman ni Dinh.

Wow ulit! Kinausap naman ako ng isang to'. Siguro dapat dalasan ko ang biglaang pagluluto ko pinapansin ako ng dalawang to' na laging beast mode.
Si Dinh na kapag nasa paligid para kang nasa north pole at si Aki na para kang nasa loob ng bulkan sa sobrang maiinitin ang ulo.

" EMMA!!.." sabay sabay nilang tawag sakin.

Napatalon ako sa gulat sa lakas ng pagkakatawag nila.

Me,The GANG and THE BABY?????Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon