Chapter 45: Grand Ball (part 2: Dazzled)

2.2K 90 28
                                    


Dedicated to @danilomapugee
-hi friend hehe. FC ko ba? Sensya na ngayon lang ako nakapagdedicate sayo .😂 tanda mo pa ako? Eto yung promise ko na sabi mo. Popromote kita kahit di ako famous.😆




Emma D. Matias POV

Mahapdi na ang puwitan ko sa tagal ng pagkakaupo ko sa harapan ng salamin. Kating-kati na din akong dumilat dahil kanina pa ako nakapikit kung anu-ano na ata ang ginawa nila sa mukha ko gusto ko ng makita kung ano na ba ang itsura ko. Baka kasi pinagtripan lang nang dalawang ate na ito ang pagmumukha ko.

" Ma'am you may now open your eyes..." mahinahong sabi ni Ateng short hair.

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko....

Napaawang ang bibig ko sa nakikita ko. Halos hindi ko na makilala ang sarili kong repleksyon. Ako ba ito?
ANG GANDAAAAAA... EMMAGANDA talaga ako.

Wag na pumalag istorya ko to'. Haha.

" Do you like it Ma'am?..." sabay na tanong nila.

Tinanguan ko lang sila bilang sagot habang nakanganga pa din.
Pinatayo nila ako saka giniya sa pares ng high heeled shoes. Napalunok tuloy ako ng di oras.

" Ahm...Ah-eh..." napakagat labi ako. "...Pwede pong flats na lang di ko po kayang ilakad yan eh. Tsaka po may baby akong karga..." pagdadahilan ko.

" Naku, Ma'am sorry po. Kabilin bilinan po kasi nina Master Hayden at Master Hunter na dapat lahat ng dapat isuot at ayusin sa inyo ay dapat makikita nila..." sagot ni Ateng long hair.

Wew! Ang daming DAPAT nun ah.Hehe. Langya naman yung dalawa na yun sila ba maglalakad haixst!

" Tsaka si Madam D po ang bumili niyan..." dugtong naman ni Ateng short hair.

Nagtataka siguro kayo kung bakit di ko inalam ang pangalan nila gaya ng ginagawa ko dati sa mga tauhan na nagpupunta dito may dahilan ako pero di ko sasabihin. Hindi ngayon.

Tumingin ako ulit sa salamin at ganun na lang ang pagkagulat ko ulit ng makita ko ang kabuuan ng damit ko. My gee!

" Ate, pwedeng magpalit ng damit ayoko nito..." naghihysterical kong sabi.

Tipid na ngumiti sila sa akin sabay iling.

" Hindi ko ito keri mga ate..." namumula ang mukha kong reklamo.Naiimagine ko na kasi ang mga reaksyon ng mga spoiled na prinsipeng yun.

" You look gorgeous Ma'am no need to worry..." gagad ni Ateng long hair.

" Yes, Ma'am you nailed it..." sangayon ni ateng short hair.

Nagkatinginan silang dalawa sabay sabing...

" SLAY..." nakangiting sabi nila.

Napamaang naman ako sa kanila. Kahiya sa akin sila alam ang millennial term na yun samantalang ako hindi. Hindi kasi nakikiuso ang magandang tulad ko haha. Ulit wag na pumalag. Storya ko nga kasi.

Iniabot sa akin ni Ate Long hair ang kulay itim na may accent na gold na clutch bag. May kapares kasi na clutch bag ang damit na pinasuot sa akin. Kahapon lang dumating ang sinuot kong ito. Pinadeliver nagulat pa nga ako kasi first time akong makatanggap ng padala tapos mamahalin pa.

" Ma'am I know medyo naiilang kayo sa itsura niyo ngayon kasi hindi kayo sanay. But we need to go po. Nagaantay na po sila sa baba at ikaw na lang po ang inaantay..." magalang niyang sabi.

Ilang beses akong bumuntong hininga bago naglakad palabas ng kwarto ni Gummy. Paulit ulit din akong napadasal na sana di nila ako pagtawanan kundi hindi talaga ako sasama sa letseng ball na iyon.

Me,The GANG and THE BABY?????Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon