Chapter 44: Grand Ball (part 1: makeover)

2.1K 79 4
                                    


Dedicated to @blue_heart07
--thank you for voting.

Kyaaah!! 10k reads na haha.. Lels..thank you guys.😊😘


Emma D. Matias POV

" Emmabee..." tawag ni Hayden sakin habang nakadungaw sa pinto ng kwarto namin ni Gummy.

Mula sa kama ay nilingon ko siya.

" Tapos mo na bihisan si Gummy?..." tuluyan na siyang pumasok ng kwarto sumilip pa siya sa likuran niya tinitingnan niya kung may ibang tao sa labas

Hindi na ako magtataka na ganyan siya dahil halos lahat sila ganyan tuwing pumapasok sa kwarto namin ni Gummy. Si Cai lang ang hindi gumagawa niyan malay ko kung bakit.

" Oo. Aayusin ko na lang iyong buhok niya..." binalingan ko ulit si Gummy sinuot ko ang panghuling sapatos niya. Nakalight blue siyang baby dress tsaka blue ding sapatos parang mini Cinderella ang peg ni Gummy. Dapat pink na dress isusuot ko sa kanya kaso nung pinakita ko iyon sa kanya iniyakan daw ba ako. Ayaw niya ata sa pink.

" Wow...Ganda naman ng baby namin..." puri sa kanya ni Hayden.

Nahihiyang ngumiti sa kanya si Gummy.
Iniupo ko naman siya para talian siya ng buhok. Actually marunong na siyang umupo magisa at tsaka gumapang isa iyon sa hindi ko makakalimutang araw pati na rin sa mga prinsipe kong kasama.

*Flashback*

Pagod na pagod akong pumasok ng mansion galing palengke para mamili ng pagkain namin para sa isang linggo. Kasama ko si Dinh at Aki na namili wala akong choice na mamili ng kasama dahil sila ang nakatoka ngayong araw kaya ganun na lang ang dasal ko na hindi kami mapaaway. Nakalimutan niyo na? Mainitin ang ulo ng dalawang ito di ba?

Kasama sa pagod ko ang pagaawat sa dalawa dahil inaaway nila yung mga taong nakakabangga sa kanila at iyong mga mapilit na tindera. Si Aki ang madalas maninghal kaya sa kanya ako nastress ng husto. Si Dinh naman ang inaway ay iyong nagtitinda ng karne. Kinukursunada kasi ako. Narinig niyang may sumipol sa isa sa dinaanan namin di niya pinalagpas iyon binalikan niya at sinita. Kabado akong umawat dahil may hawak na itak iyong mama baka makarne nang wala sa oras si Dinh.

Isa pa sa stress na nagpadagdag ay iyong mga mahaharot na tindera at mamimiling katulad ko na titig na titig sa kanila kulang na lang tumulo ang laway nila. Pero kahit ganoon laking pasalamat ko na din dahil ang laki ng tinipid ko. Haha. Lahat kasi ng pinamili namin discounted.

Ako na ang nagbukas ng pinto para makapasok kaming tatlo wala naman kasi akong bitbit. Naabutan namin sina Cai, Schyler, Lexus, Hayden,Denver at Hunter sa sala. Wala si Rye dahil umalis may pupuntahan daw siya.

Tumingin lang sila sa amin ng dumating kami busy sila sa paglalaro eh.
Naglalaro si Hayden at Lexus ng Xbox habang sina Cai, Denver,Hunter at Schyler naman ay piano tiles 2 pataasan daw sila ng score. Tumuloy na sina Aki at Dinh sa kusina para dalhin doon ang pinamili namin. Nagkalat ang papel na nilukot sa sahig isa isa ko iyong pinulot. Hay kelan kaya iyong araw na kahit minsan lang hindi magkakalat ang mga bakulaw na prinsipeng ito. Tsk!!

" Nandito kayong lahat sino nagbabantay kay Gummy?..." tanong ko habang nagpupulot ng mga papel.

" Oy Lex, si Gummy daw..." tawag ni Denver na tutok sa cellphone niya kay Lexus.

" Luh! Di ako ang nakatoka ah. Si Schyler kaya ngayon..." sagot ni Lexus na abala sa pagpipindot sa game console.
"...Bam! Die you bastard." bulalas pa niya.

" In your dreams.." sagot naman ni Hayden nakabawi yung character na nilalaro niya. Hindi ko alam iyong nilalaro nila basta naglalaban silang dalawa.

Me,The GANG and THE BABY?????Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon