Chapter 2: Job hunt

6.7K 200 8
                                    

Dedicated to Amareader10

-- pasensya na Amme nabura yung original 1st chapter kaya eto nsa chapter 2



"Bye Ma' ..bye Papa. Emman,Mischa... Wag kayong magpasaway kina mama at papa ah" paalam ko sa kanila

"Nak' magiingat ka dun ah. Paghindi mo na kaya pwedeng pwede kang umuwi dito at kung pinapahirapan ka ng amo mo sabihin mo lang sakin dahil ako mismo ang susundo sayo dun" bilin ni papa

"..Walang sinuman ang pwedeng manakit sa first princess ko" dagdag niya habang nakahawak sa mukha ko at diretsong nakatingin sakin si papa saka niyakap niya ko.

Naiiyak na ko ngayon lang ako malalayo sa kanila. Pero kailangan kong ipakita na kaya ko para naman samin to' eh

"Mama... Alis na po ako" sabi ko kay mama na hindi pa din kumikibo kanina pa siyang ganyan nung nagaayos pa kaya ng mga gamit ko.

Bigla na lang niya ko niyakap na muntik ko nang ikahagulgol ng iyak. Alam ko nasasaktan si Mama dahil hindi man lang nila kayang pagaralin ako sa college.

"Ma' hindi pa ako patay saka mo na ako iyakan" sabi ko kay Mama para namang maging light lang ang usapan namin masyadong madrama eh. ^_____^

Kaya naman....

*PAK!*

"Araaaaayy! Ma' masakiiit..." sigaw ko batukan daw ba ako TT____TT

"Para yan kahapon sa pagtakas mo sa gawain mo" singhal ni mama

"Wow! Ma' ka-touch ka naman nun kahapon pa yun. Aalis na lang ako may kurot at pingot at batok pa din ako " reklamo ko sabay pout.

"Pabaon ko yan sayo para magtino ka kahit malayo ka samin para matandaan mo na hindi na pwede yung pagtakas-takas mo sa gawain mo" pagpaplakado skin ni Mama.

"Ate ayan na yung bus" tawag ni Emman sakin.

"Bye Ate.." paalam ni Mischa sakin

"Ba-bye... Alagaan mo kambal mo ah.At ikaw din Emman alagaan mo din 'tong kambal mo.Ganun talaga eh minalas ka sya kambal mo ...Haahahahah..." bilin ko sa kanilang dalawa

"Ate ansama mo.."  sabi ni Mischa sabay nguso .

" Sige bye na.." sabi ko sa kanila at umakyat na ng bus

Pumwesto ako kagad sa at bintana para makita ko pa sila ulit at makapagpaalam sa huling pagkakataon.

" Ba-bye, ingat kayo" sabi ko with matching kaway kaway pa.

******

"Haixst.." buntong hininga ko.

Paano kasi kulang pa yung pera ko pang-enroll.Isang linggo na ko dito tapos wala pa din.

"Hoy!.. Emma tigilan mo nga yang paghalumbaba mo dyan" sita ni Tita Lucy

"Ayy!.. ahehehehe.." sabi ko kay Tita sabay ngiting alanganin.

Ayaw niya kasi kang nakakakita ng nakahalumbaba malas daw . -___-! Tssk!

"Ikaw muna mamalengke hah" utos niya
"may pupuntahan pa kasi ako eh"

"Opo.." matamlay kong sagot.

"Oh, 'eto pera " [Tita] sabay abot ng pera sakin.

Pagkakuha ko ng pera inayos ko muna yung sarili ko bago lumbas ng bahay.
Naman dapat maganda kahit pupunta lang ng palengke. ^____^ Nasa pangalan ko na pati emmaGANDA oh di ba.

Me,The GANG and THE BABY?????Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon