Chapter 26: Road Trip.

2.8K 89 7
                                    

Dedicated to @JazzlynBarlas09
--thank you for voting








Emma P. Matias POV




" Emmabee..." tawag ni Hayden sakin kaya napatingin ako sa kanya nasa harapan kasi namin siya nakaupo.

Tinaas ko yung dalawang kilay ko bilang sagot.

" Malayo pa ba tayo?.." nakapout na tanong niya habang nakadungaw mula sa kinakaupuan niya.

" Medyo.." sagot ko.

" Damn! You serious about that?.." dumungaw din si Hunter na katabi lang ni Hayden.

Kambal tuko eh kaya di mapaghiwalay.

" I'm dead serious about it Hunter.." taas kilay kong sagot.

Oh yeah! English pa. Lakas niyang makahawa eh.

" Emma, sang bundok ka ba nakatira?.." si Dinh naman yan.

" Yeah, where in f*cking place on earth your province is?.." sangayon ni Aki na salubong ang kilay.
"..We've been in the road for twelve f*ckin' hours.."

" Watch your mouth Aki.." sita sa kanya ni Cai na katabi ko.

Yep. Katabi ko si Rye nga sana gusto kong katabi eh kasi marunong makiramdam yun kapag ngawit na ko sa pagkarga kay Gummy. Kaso hindi siya na kasama may kailangan daw siyang gawin eh. Pero try niya daw sumunod. Si Denver na sana kaso bago pa siya makaupo nakatanggap na siya ng siko sa sikmura ni Cai. Magtataka na ba ko?

" Matulog ka na lang nga kanina ka pa nagrereklamo eh. And its your twelfth time in twelve hours.." singhal sa kanya ni Schyler.

Totoo kada oras ata nagrereklamo itong singkit na to'. Mahirap talaga siyang kasama kapag nagcocommute gaya na lang nung siya na at si Dinh ang kasama ko para magsimba.

*Flashback*


" Tell me you're just fu--.." sinamaan ko si Aki para di matuloy ang sinasabi niya dahil sigurado akong magmumura siya.

Napatingin siya kay Gummy saka pinaikot ang mata. Ang cute halos puti na lang nakikita nung ginawa niya yun. Ganun siya kasingkit? Haha.

"...You're just kidding right? We're not going to ride those moving scrap metal." tukoy niya sa mga jeep na dumadaan habang napapangiwing tanong niya sakin.

Grabe! Makascrap metal naman siya wagas ayos naman yung ibang jeep. Pero yeah, I can't blame him though. *Pengeng tissue nosebleed eh*

Alam mo naman tayong mga Pilipino masyadong sentimental kahit kakarag karag na basta tumatakbo pa pwede pang i-byahe yan kahit na isang pirma na lang ng kalawang bibigay na yung jeep.

" Wag ka ngang maarte Aki pwede.." irap ko sa kanya saka pinara yung jeep papuntang simbahan.
"...Kung ayaw mong sumakay bahala ka maglakad kang magisa mo.." sabi ko sa kanya at nilagpasan siya nasa kanan niya kasi ako.

"..Dinh, tara na hayan mo na yang reklamador na singkit na yan." aya ko sa kanya nung madaanan ko siya.

Nadiscover ko lang na kailangang i-sci war si Aki pansin ko kasi minsan dinadaan niya sa init ng ulo ang gusto niya eh.

And as usual di siya umimik. Ano pang asahan ko kay Dinh. Tsk! Ewan pero parang may pinagdadaanan siya eh. Mag-oopen din yan unti-unti naman na siyang nagiging at ease sakin eh.

" What the?! Iiwan mo ko dito.." bulalas niya.

" Hell yeah, Kent kung di ka tatahan. Just get in.." sagot sa kanya ni Dinh.

Me,The GANG and THE BABY?????Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon