Dedicated to @yhanna02
--thank you sa flood votes haha😊Emma P. Matias POV
Kabado kaming naghihintay sa labas ng emergency room. Kinakabahan ako baka kung napano na si Gummy habang papunta kami dito di siya tumitigil sa pagiyak at halatang hirap siyang huminga tapos namamantal pa siya. Lahat sila nandito kasama ko.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala luha ko kung hindi ko pa naramdaman yung kamay ni Cai sa mukha ko.
" Shh...Stop crying.." alo niya sakin. "...Everything is gonna be okay. Gummy's gonna' be okay..." tapos niyakap niya ako.
Niyakap ko siya pabalik at sinubukang pakalmahin yung sarili ko. Sa pamamagitan ng yakap niya. Mayamaya lang lumabas na yung doctor.
" Sino magulang ng pasyente?.." tanong niya.
Agad akong tumayo. Lumapit din sina Schyler nang makita nila yung doctor." KAMI PO..." sabay naming sabi ni Cai
Gulat na nagkatinginan kami. Uminit yung mukha ko ng marealize ko kung anong meron sa sitwasyon namin.
" Your daughter had an allergic reaction with chicken. That explains her difficulty in breathing and her redness.." pagpapaliwanag ni Doc sa nangyari kay Gummy.
" What?!.." gulat na tanong ni Lexus. "..Shit! F*ck!.." mura pa niya
Napakunot noo ako. " Po?.."
" Are you not aware of it?.." tanong niya samin ni Cai.
" Alam ko pong may allergy siya kaya imposibleng--.." natigilan ako at napatingin sa gawi nila Schyler.
Lahat sila tumingin kay Lexus pati na ako.
" Fck!.." may panic sa mga mata ni Lexus. "...Emma, I'm sorry hindi ko alam.." umiiling na sabi niya habang nagsosorry.
" What stupidity comes in your mind this time Lexus?.." galit na sabi ni Cai.
" Look guys I'm sorry I didn't know..." napasabunot siya sa buhok niya.
Tumiim ang pakakatitig ko kay Lexus. Ramdam ko ang sincerity sa pagsosorry niya pero maliban dun may takot sa mga mata niya na pilit niyang tinatago. Kitang kita ko din kung paanong gusto niyang may gawin siya pero wala naman na nangyari na. Halatang hindi siya mapakali at itong mga kasama niya ay dumadagdag pa sa paghihirap ng kalooban niya. Anong meron Lexus?
" Eh paano kung napano siya magsosorry ka na lang?.." sikmat sa kanya ni Schyler.
" Sana nagtanong ka na muna kung pwede sa kanya bago mo pinakain ng kung ano ano yung bata..." sermon sa kanya ni Rye.
" Guys, cut it off. Nagsosorry na nga yung tao oh. Sinabi niya diba hindi niya alam diba. Don't make it hard for him.." awat sa kanila ni Dinh.
" Stop fcking making excuses for him Dinh. He needs to fcking learn his responsibilities.." sagot ni Hunter sa kanya.
"...He's always like that. Lexus grow up your not a child anymore..."" I'm not making excuses for him..." angil ni Dinh kay Hunter. "...I'm showing you the picture. He's sorry for pete's sake tapos sisisihin niyo yung tao. Worst is making him feel like shit..."
Tinulak ni Dinh si Hunter at gumanti naman ang isa. Akmang magsusuntukan sila nang pumagitna si Aki at Hayden.
" You're in a fcking hospital. Ilugar niyo yang pagiging isip bata niyo.." sabi ni Aki sa dalawa habang umaawat.
" Ikaw.." tinuro niya si Hunter. "...Wala ka na bang alam kundi manisi. Ang galing mong magsalita eh wala ka naman nang mangyari lahat ng to' kung makapagsalita ka akala mo ang galing mo na."
BINABASA MO ANG
Me,The GANG and THE BABY?????
Ficção GeralImagine how Ten Mafia Heirs, A baby and a Babysitter will live together?