Chapter 28: Bakasyon Grande.

2.4K 76 6
                                    


Dedicated to @limkee



Emma P. Matias POV




" Sigurado ka Emmaney kapatid mo sila?.." may pangaasar sa boses ni Lexus na nagtanong sakin.
Habang nakatingin sa mga kapatid ko.


Inirapan ko siya. Ganun kasi laging tanong sakin kung kapatid ko sila. Kahawig ko naman itong kambal kong kapatid kaya lang magdududa ka kasi hindi ko sila kapareho ng kulay ng mata. Si Emman green ang kulay ng mata tapos si Mischa blue yung akin katulad ng kay Papa golden brown tapos mas maputi pa sila sakin.

" Mukha kang yaya nila.." asar ni Denver kaya binatukan ko.
"...Emman, Mischa ito si Kuya Denver, Lexus, Aki, Dinh, Cai.." nag-tsk ako pagkabanggit ko sa pangalan niya. "..Jin,  Schyler, Hayden at Hunter.." pakilala ko kina Lexus.

"...At ito si Baby Gummy.." sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

" Anak mo ba siya Ate?.." tanong ni Mischa.

Hindi ako sumagot at nagkunwaring hindi ko siya narinig.

" Sino sa inyo katipan ng Ate ko?.." nakapamewang na tanong ni Emman.

(Trans: Sino sa inyo boyfriend ni Ate?)

Nagkatinginan sila dahil hindi nila naintindihan yung sinabi ni Emman. Pinandilatan ko siya para hindi niya itagalog yung sinabi niya.
At dahil likas na makulit itong kapatid ko nginisian lang ako.

" Ibig kong sabihin sino sa inyo ang boyfriend ni Ate?.." ulit ni Emman sa sinabi niya.

" Oyy! Lover Boy.." tinulak ni Hayden si Cai. "..Pakilala ka na sa brother-in-law mo.." ngumisi pa siya.

" Wanna die Hayden?.." singhal niya kay Hayden sabay piksi ng balikat niya.

" Just do it f*cker. Need help?.." inakbayan ni Hunter si Cai.

Nagdirty finger naman si Hayden sa kanila. Kaya binatukan siya ni Schyler.

" Umayos ka may bata..." sabi niya pagkabatok niya kay Hayden.

" Since when you became Aki's disciple?.." asar sa kanya ni Hunter.

" Asan sila Mama?.." tanong ko kay Mischa.

" Inumangay sa Bianoan namugtong ng b'gges.." poker face niyang sagot habang pinagmamasdan yung mga kasama ko.

(Trans: Pumunta sila sa Bianoan bumili ng bigas)

Ganyan talaga si Mischa kapag may ibang tao hindi katulad ni Emman na marunong makihalubilo. Hindi pinapakita kung ano talaga ang ugali niya pero kapag naging close mo na siya di mo aakalain na nuknukan pala siya ng kulit.
Siya yung tipong hindi basta basta nagtitiwala sa tao.

" Bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka pala ate? Ayan tuloy walang pagkain.." ungos ni Emman sakin habang nakikipaglaro kay Gummy.

" Oo ngani saan mo patidug'n yang mga kaguman mo ah.." irap ni Mischa sakin.

(Trans: Oo nga, saan mo patutulugin yang mga kasama mo ah?)

Napatingin ako kila Cai at ayun sila nagsisiksikan sa sala set naming puro kawayan.

" Sa kwarto ko tapos sa kubo sa likod.." sagot ko kay Mischa. "...Anong oras umalis sila Mama?.."

Hindi ako sinagot ni Mischa dahil busy siya sa pagmasid sa mga prinsipeng kasama ko. Napailing na lang ako. Kung ano ang ikinaweirdo nila ganun din ang kapatid ko.

" Hey kiddo.." tawag ni Hunter kay Emman. "..We bring treats where we should put this?.." nakangiting tanong niya.

" Hindi utusan kapatid ko.." mataray na sabi ni Mischa sabay pigil kay Emman na lalapit sana kay Hunter.
Pinaningkitan ko siya ng mata.

Me,The GANG and THE BABY?????Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon