LISA POV
"ARGHHHHHHH" isang malakas na sigaw ang pinakawalan ng asawa ko habang nakakapit ito ng mahigpit saaking mga kamay.
"Ok Mrs. Manoban, kunti nalang, isang ere pa dahil nakikita kuna ang ulo ng bata" sabi pa ni doc sa asawa ko dahil nag hahabol ito ng hinanga nya dahil sa pinakawalan nitong malakas na sigaw.
"You can do it baby" bulong ko pa at hinalikan ang kamay nya.
"Wooohooo, arghhhhhhhhhhhh........ " sigaw pa ulit ng asawa ko, at ganun nalang ang pag talon ng puso ko ng marinig ang isang munting iyak ng bata, yes ang anak namin ni jennie.
"You made it baby you made it" sabi ko pa asawa ko at hinalikan ito sa sintido nya.
"Mr. Manoban, you want to cut? " tanung sakin ng doc kaya tumango ako at binitawan muna ang kamay ng asawa ko na ngayun ay naghihina na, bago lumapit sa anak namin at pinutol ang pusod nito.
Napangiti pa ako ng makita ito sa malapitan, fuckkk I'm a father now.
Binagay pa muna ito sakin ng doctor after kung ma cut ang pusod nya at kahit duguan pa ito ay hindi na ako nag dalawang isip na buhatin ito, at hindi ko naman maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang pinag mamasdan ang munting anghel namin.
"Look baby, and cute ng anak natin" sabi ko pa sa asawa ko ng ilapit ko ang anak namin sakanya.
"Hi baby," nanghihinang sabi naman ng asawa ko at hinimas ang ulo ng anak namin.
After kung buhatin ang anak ko ng ilang minuto ay sinabihan muna ako ni doc na lumabas dahil aasikasuhin na muna nila si jennie para matahi ito at mailipat sa room nya.
Lumabas naman agad ako ng delivery room at bumungad naman sakin ang mukha ng pamilya namin at mga kaibigan, halos lahat sila ay andito after kung tumawag sakanila na dinala kuna si jennie dito sa hospital dahil sa pumutok na ang panubigan nito.
"How is it? " tanung agad ng daddy ni jennie ng makita nila akung lumabas mula sa delivery room, ngumiti naman ako sakanila ng abot tinga bago sinagot ang tanung.
"Ok na po dad, ililipat nalang daw sya sa room nya, and the baby, is so healthy and ang cute po ng apo nyo" masayang sagot ko naman, at napangiti naman si dad, bago bumaling kay mom, at napatingin naman ako sa parents ko at lumapit pa sakin si papa bago ako niyakap.
"Congrats anak, tatay kana. " masayang sabi nya sakin bago humiwalay sa yakap at tinapik ang balikat ko.
"Opo pa salamat, ang sarap po pala sa pakiramdam na mahawakan mo yung anak mo, kasi subrang saya ko ng marinig ko yung unang iyak nya, it was the best feelings na hindi mapapantayan ng kahit anung bagay" nakangiti ko pang sabi habang inaalala ang nangyari kanina, totoong walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman ko kanina ng marinig at mahawakan ko ang anak ko.
"Tama ka anak dahil ganyan na ganyan din ang naramdaman ko ng una kitang mahawak ng lumabas kana"sabi pa ni papa kaya napangiti ako dahil maging si dad ay ganun din daw ang naramdaman nya ng una nyang mahawakan si jennie.
Kinungrats pa ako ng mga kaibigan namin at nila kuya bam dahil andito sila after kung tawagan, pero nag paalam din na uuwe na dahil pagabi na, kaninang mga 2:45 pm kasi nag labor si jennie at pagabi na ng maiblas nya ang anak namin, kaya na pag disisyonan nila na magsiuwi na muna pero pinuntahan muna nila si jennie dahil nailipat na ito sa room nya.
"Tumawag kana lang pag may kailangan ka ha, may binili na kaming pagkain nyo jan," paalala pa ni mom dahil aalis na sila ngayon para umuwe.
"Opo, sige na po mag ingat po kayo pauwe" sabi ko naman.