Kabanata 08

565 14 0
                                    

Kabanata 08 - Gayle Uchika Diaz

Nasa unahan namin sina Faison at Lander habang kasabay ko naman si Cairo na panay sulyap sa akin. Habang si Luigi ang nasa likuran at nasa pinakaunahan si Sol.

"May sasabihin ka?", pabulong kong tanong kay Cairo kaya natawa ito nang bahagya.

"I just wanna ask if you're doing well here.", aniya kaya tumango naman ako.

"Okay lang. I just didn't expect it na mababait iyong mga tao dito.", sagot ko sa kanya kaya tumango naman ito.

"Magkamag-anak kayo ni Luigi? May resemblance kasi kayo.", tanong ko sa kanya at tumango naman ito.

"Anak niya ako.", aniya kaya napasinghap ako. Napatigil tuloy sila sa pagpalalakad saka napalingon sa amin.

"Ay sorry, nagulat lang.", sambit ko saka sinubukang h'wag mahiya.

Tinakpan ko ang mukha gamit ang palad nang maramdaman kong hindi pa rin sila naglalakad. Sumenyas naman ako kina Faison na mauna na kaya nailing nalang sila. Habang ang boss nila ay mataman pa ring nakatitig sa akin.

Ramdam ko namang umatras si Cairo hanggang sa magkatabi na sila ni Luigi. Tiningnan ko naman siya na parang nagtataka pero ngumiti lang ito saka ako inilingan. Nagkibit balikat nalang ako saka tumingin sa may harap at nakitang nakatitig pa rin si Sol sa akin.

After a few seconds ay naglakad na itong muli. Minsan talaga ang weird niya. Well, weird naman na talaga siya. Pero ang sa akin lang, ang w-weird nila kasi tingin lang ang ibinibigay ni Sol ay gets na nila ang gusto nito. What if they really have some sort of telepathic device?

Ipinilig ko nalang ang ulo dahil sa kung saan-saan na naman napupunta ang mga naiisip ko. Nakarating naman kami sa may sulok at binuksan naman ni Sol ang pinto. Sumilip naman ako at nakitang parang normal na shooting range lang ito.

"Anong pinakamalayong distance?", tanong ko kay Faison.

"100 meters lang.", tumango naman ako.

"Kadalasan lang naman sa mga nagt-train dito ay iyong mga baguhan. Sa labas nagt-train ang iba.", napaisip naman ako sa sinabi niya.

Nagsilapitan naman sila sa each box kaya lumapit na rin ako. Sinuot ko naman din iyong headphones saka tumingin sa mga baril na nakalatag, tatlo. May kung anong pinindot naman sila at nagsipaglabasan naman iyong mga target. Pinili ko naman iyong pinakamalayo.

Kinuha ko nman ang iyong parang rifle saka nilagyan ng bala at kinasa. Chineck ko pa kung nasa maayos na lagay ito saka pumwesto. I positioned myself saka tiningnan ang target. Limang bala lang ang nasa loob kaya sunod-sunod kong pinaputok ang baril ng ilang beses. Sa dibdib, ulo, sa magkabilaang tagiliran at leeg.

May pinindot naman uli ako para mag-slide papalapit ang target at hindi ko mapigilang hindi mapangisi. Dinungaw ko naman sila at nakitang nakatingin lang ang mga ito sa akin. Nginitian ko naman sila saka sila kinindatan.

Sinunod ko naman iyong dalawang baril. But this time, hindi iyong nasa harap na target ang pinili ko. Iyong isa ay kay Luigi habang iyong isa naman na nasa kabilang side ay kay Sol. Inilapit din naman nila ang target at nakitang walang mintis ang asinta ko.

"Woah, where did you learn that?", tanong sa akin ni Cairo at nagkibit balikat lang ako.

"Playing video games?", sagot ko kaya naman napailing ang mga ito.

Tiningnan ko naman si Sol na nakatingin lang ito sa akin. Bigla niya namang ipinutok ang baril niya habang nakatutok ito sa akin kaya hinablot ko ang hawak na baril ni Cairo saka rin ito pinutok papunta sa kanya.

Kamuntikan na akong matamaan pero napigilan iyon ng balang pinaputok ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapairap kasi paano kung tanga-tanga ako? Edi natigok na ako ngayon.

Mas lalo namang natahimik ang lahat dahil sa nangyari habang si Sol naman parang natutuwa sa nangyari. There's a hint of grin in his blank-looking face.

"Holy sh*t, okay ka lang?", tanong ni Lander sa akin nang bumalik na sila sa realidad kaya tumango naman ako.

"Ang late naman ng reaction mo.", sabi ko saka muling sinalubong ang mga tingin ni Sol. Palagi nalang ata kaming nags-staring contest ng isang ito. Bigla namang may umugong na parang sirena kaya nagtinginan sila.

"Lander, bring her to her room.", utos ni Sol saka may ibinigay na kung ano kay Lander. Agad naman akong hinila ni Lander palabas.

"Run, Gayle.", sabi niya kaya sumabay na ako sa pagtakbo niya. Ramdam kong kasunod lang namin sila pero lumiko kami sa kung saan.

"Where are we going?", tanong ko sa kanya at may inilabas naman siyang parang card.

"Private elevator ni boss.", sagot niya kaya napatango ako.

"If there's something like this, nil-lock iyong elevator na iba. Iyong kanya lang ang nagana.", dagdag niya pa kaya tumango ulit ako.

"Do you think this is something bad?", tanong ko sa kanya at umiling naman siya.

"Hindi naman palagi kapag nagkakaganito it's already something bad. Minsan may mga bagay na need ipaalam sa lahat like this is some sort of emergency meeting.", sagot niya naman kaya napatango naman ako.

I am really hoping this isn't really that bad. Sinalubong naman kami ni Aki. Kasama niya si Deej. Tinanong naman ni Lander kung may nagbabantay ba kay Dylan ang sagot naman nila ay nandun si Jason. Agad naman ding umalis si Lander habang kami ay pumasok sa room namin.

The Mafia Boss' Cute Little Crush (TMBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon