Special Chapter ng mga Unggoy - Cairo's Point of View
"Sa lahat talaga ng trip niyong puntahan, club pa talaga?", tanong ko sa kanilang dalawa ni Faison.
"Hind ako ang nakaisip nito. Iyan oh.", itinuro naman niya si Lander.
"Halina kasi kayo.", sinubukan niya kaming hatakin pero hindi niya kami mahatak.
"Ang ki-killjoy niyo naman.", reklmo niya nang may makita akong pamilyar na mukha.
"Si Deej ba iyon?", turo ko sa lalaking papasok palang sa club.
"Halina kayo.", hinila naman kami ulit ni Lander but this time ay nagpahila na kami.
"Deej!", tawag namin dito kaya napalingon ito sa amin.
"Uy! Bakit kayo nandito?", tanong niya at itinuro naman namin si Lance kaya natawa ito.
"Kasama ko si Jason pero nasa loob na siya.", sabi niya kaya sumunod naman kami dito.
Sanay naman kami sa mga clubs o bars dahil may iilang pagmamay-ari si boss pero taga-bantay lang. Hindi namin nakahiligan ang mga ganitong bagay.
Binati niya naman kami nang makarating kami kung saan ang pwesto nila. Nagsiupuan naman kami saka nagtingin-tingin sa paligid.
Agad naman akong napahawak sa sentido nang may makita akong lalaki na akala mo ay macho dancer kung sumayaw. Tang*na niyan!
"Hindi niyo kaya?", nakangising tanong ni Jason.
"Ang alin?", tanong ni Faison.
"Ang sumayaw riyan.", sagot ni Jason kaya napangiwi ako.
"Isa lang naman ang sagot diyan.", may inilabas naman itong bote ng alak.
"Ito", proud pa niyang sabi kaya nagtaka naman kami.
"Matataas ang alcohol tolerance namin.", ani ko sa kanya kaya umiling naman ito.
"Don't worry, this is the real deal. Paano natin malalaman kung malalasing talaga tayo o hindi kung hindi natin susubukan, hindi ba?", nagtinginan naman kaming apat saka tumango.
Agad-agad naman naming nilagok ang bawat basong ibinibigay niya. Hanggang sa naubos na nga ang isang bote kaya pinigilan ko na siya.
"Teka muna", pigil ko sa kanya dahil sa parang nahihilo na ako.
"Hi, boys!", napalingon naman kami nang may lumapit sa table namin na limang babae. Feeling ko tuloy parang sinet-up lang kami nitong si Jason.
Umupo naman sila sa kanya-kanya nilang upuan. Napatingin naman ako sa katabi.
"I'm Joyce", tinanggap ko naman ang kamay niya.
"Cairo", we shook our hands. Nakita ko namang nakikipag-make out na si Jason sa katabi niya.
"Yah! Lander! Faison!", tawag ko sa kanila at tatayo na sana nang pigilan ako ni Joyce saka hinalikan.
Tang*na, set-up nga atang 'to talaga.
* * *
Naalimpungatan naman ako dahil sa panay tunog na iyong cellphone ko. Nabangon naman ako saka napasilip sa labas at nakitang mukhang magtatanghali na.
"Sh*t! Magsigising kayo! Nakailang tawag na si boss!", agad naman silang nagsipagtayuan nang mabanggit ko na ang boss namin.
"Nawala na lahat laman ng wallet ko, p*cha!", inis na ani ni Deej kaya tiningnan ko naman si Jason na pangisi-ngisi lang.
Sa susunod talaga mababasag ko na bungo ng isang iyan. Parang abnormal, amp*ta.
"Bilisan mo naman Lander! Wala sa plano kong mamatay na kasabay ka!", reklamo ni Faison nang makitang nagsisintas pa si Lander.
Matapos naman ay agad din kaming tumakbo palabas ng hotel. Lumingon naman ako kina Deej.
"May dala kayo kayong kotse?", tanong ko sa kanila at tumango naman sila saka tumakbo pakanan kaya sumunod na kami.
"Dali na!", sigaw ni Deej pagkasakay naming lahat. Noong una ay hindi pa nags-start ang kotse kaya tatanggapin ko na sanang sabay-sabay kaming mamamatay ngayong araw.
"Bilisan mo, Jason! Kasalanan mo talaga 'to!", sisi sa kanya ni Lance at tumawa naman itong Jason kaya walang kung ano-ano'y pinupukpok ko ang ulo nito.
Tumingin naman ito sa akin saka binitawan ang manobela para makaganti. Holy sh*t! Baliw na ang isang ito.
"Tang*na Faison! Iyong manobela!", sigaw ni Deej hanggang sa nawalan na nga kami ng preno.
And the next thing that I know ay nakaratay na kaming lima sa hospital. Hindi naman ako mapakali habang naghihintay na bumukas ang pinto. May kumatok naman kaya nagtinginan kami sa isa't-isa.
"Si boss na iyan. Hindi pa siya nakakapasok pero ramdam ko na ang dark energy na inilalabas niya.", sabi ni Deej kaya nagsipaglunukan naman kami. Siya kasi itong malapit sa pintuan.
Halos pigil hininga kaming lima nang unti-unting bumukas ang pinto. Para namang humiwalay ang kaluluwa namin nang makitang si boss nga ito. At hindi lang dark energy ang nilalabas niya para rin niya kaming nil-laser eyes.
"I will never ever fvcking give you a day off again!", sigaw niya sa amin. With that murderous look in his face nagmumukha na siyang grim reaper na balak na kaming dalhing lima sa impyerno.
Talagang mapapasabi na ka nalang ng "never again".
* * *
Lahat naman kami ay parang kinilabutan sa tuwing naalala ang insindeting iyon. Balak sana ni Lander na humingi ng day off kay boss para daw mag-boy's night out kami pero pinagbawalan nga pala niya kami after naming sabay maaksidente.
[A/N: The last 10 chapters will be posted next week o baka pagkatapos ng holy week. Matagal na talaga itong nakatingga sa notes ko. Vote & comments are highly appreciated. 🫶🏻]
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss' Cute Little Crush (TMBS#1)
Romance[Completed] This is the first book of the Mafia Boss Series! As they were going home from backbacking, Gayle and her friend didn't expected something wrong to happen that would lead them into living in the same roof of a mafia boss! Will they'll be...