Chapter 22

186 14 1
                                    

Chapter 22

Gayle Uchika Diaz

Kinabukasan ay parang tinatamad pa ako lumabas. Dalawang beses na akong pinipilit ni Carlota at konti nalang ay baka hilahin niya na ako para bumaba. Kaya bumangon nalang ako saka naghilamos at tooth brush. Mamaya na ako maliligo.

Napasulyap naman ulit ako sa cellphone ko dahil sa may nag-text sa akin kagabi ng 'I'm sorry' na isang unknown number. Hindi ko alam kung rereplyan ko ba o hindi. Pagkababa ko ay nasa may sala sina Mr. Antoallis at Klinton.

"Are you okay, dear?", bati sa akin ni Mr. Antoallis kaya tumango naman ako.

"Opo, napasarap lang ang tulog dahil ang lambot ng kama.", sagot ko sa kanya. Tumingin naman ako kay Klinton.

"Good morning", bati ko sa kanya saka naglakad papuntang kusina. Masyado na talaga akong feel at home.

"Good morning, Carlota.", bati ko sa kasambahay nilang akala mo may sama ng loob sa akin. Nginitian ko naman iyong isa niyang kasama.

"Kuhanan mo ng plato at utensils ang mahal na prinsesa.", aniya kaya napairap ako. One of these days ay baka talagang magsasabunutan na kaming dalawa.

"No need, kaya ko na naman. Nakakahiya naman sa kasama mong parang kinukulang sa sweldo.", parinig ko sa kanya saka kumuha ng plato, kutsara, tinidor at tasa. Agad naman akong naghanap ng coffee machine at nakita ko naman iyon sa may sulok. Gumawa naman ako ng kape ko saka binuksan ang ref para maghanap ng gatas.

"Nasa baba, Ma'am.", sabi nung kasama ni Carlota kaya napatingin naman ako sa may baba at nandun nga iyong gatas. Nilagyan ko lang ng kaunting gatas ang kape saka ito tinikman.

"Thank you saka ano nga pala iyong pangalan mo?", tanong ko sa kanya kaya parehas silang napatigil dalawa.

"Wala kaming pangalan. Siya lang iyong binigyan habang ako'y wala dahil siya naman iyong inuutusan at taga-tulong lang ako.", sagot niya kaya naman napakurap-kurap ako.

"Would it be fine if I'll call you Charlie?", sabi ko at sumimangot naman si Carlota.

"H'wag iyong pang-sosyal Ma'am baka ayaw ni Carlota na maganda iyong akin tapos iyong kanya—", hindi na niya itinuloy ang sasabihin dahil sa sinamaan na siya ng tingin ng kasama. Parehas tuloy kaming nagpigil ng tawa.

"Nena nalang", sabi ko kaya tumango naman ito.

"Nasa may dining table na po iyong mga pagkain.", aniya kaya nilingon ko ang mga ito.

"Thanks sa inyong dalawa.", sabi ko saka lumabas ng kusina.

"Ang tagal mo atang nakalabas ng kusina.", sabi ni Klinton kaya itinaas ko naman ang kamay ko na may dala-dalang tasa. Napatango naman ito.

Umupo naman ako sa may dining nila saka napansing sobrang dami naman ata ng pagkain.

"Kumain na po kayo?", tanong ko sa kanila at um-oo naman ang mga ito. Hinayaan ko nalang saka kumuha ng konting kanin then isang hotdog, iilang tocino, itlog saka corned beef.

Nag-uusap lang sila ng kung ano-ano kaya kumain nalang ako dito habang nag-iisip ng kung ano. Patapos na ako sa isang scene ng daydreaming ko nang tawagin ako ni Mr. Antoallis.

The Mafia Boss' Cute Little Crush (TMBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon