Chapter 24
Gayle Uchika Diaz
After ma-interrupt iyong pag-uusap namin ni Sol ay hindi ko na ito matingnan sa mga mata. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang ako tinamaan ng hiya. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya. Oo nga 'no? Bakit nga ba ako nahihiya?
Dumating sina Tito Sergei kaya naman ay hindi rin nagtapos ang supposedly 'pag-uusap' namin ni Sol. Sa tingin ko rin naman ay mas mabuti na ring sila na ang mag-continue dahil kahit papaano ay nasabi ko na naman sa kanya ang mga gusto kong sabihin.
They're now talking about the mafia thing kaya nagpaalam na muna akong pupunta muna ako sa kwarto. Ramdam ko naman iyong mga kakaibang tingin nina Tito Sergei sa akin. It as if tinubuan ako ng pangatlong mata dahil sa ang weird talaga ng mga tinginan nila.
Pagkapasok ko naman sa kwarto ko ay dumiretso ako sa banyo. And I was dumbfounded nang makita ko ang itsura ko sa salamin. Nababaliw na si Sol! He didn't even tell me! Kaya naman pala ang weird ng tingin nina Tito Sergei! Halatang-halata iyong mga hickeys na iniwan niya sa leeg ko! Nakakahiya!
Hindi ko naman mapigilang hindi mapatili dahil baka kung anong iniisip na nina Tito Sergei at Klinton. Anong sasabihin ko sa kanila? Ano ba kami? Ano na kami? I mean, are we official? Anong klaseng official? Potek, nakakabanas naman oh. Napasabunot nalang ako sa buhok ko saka napatakbo sa kama. Ibinaon ko naman ang mukha saka sumigaw.
May kumatok naman sa pinto ng kwarto ko kaya napaayos ako ng upo saka lumingon dito. Dumungaw naman mula roon si Nena. Mukhang akala nito ay nababaliw na ako.
"Okay ka lang?", tanong niya kaya napangiwi naman ako.
"Oo, okay lang ako. Bumaba na ba sila?", sagot ko sa kanya at umiling naman siya.
"Pinapasabi lang ni Sir Sergei na dito na raw sila magd-dinner.", napaupo naman ako dahil sa sinabi nito.
"Ha? Dito? Bakit naman?", sagot ko kaya naman parang nagtaka naman si Nena dahil dito.
"Okay ka lang ba talaga, Gayle? Para atang wala ka pa sa sarili mo eh. Lasing ka pa ba?", aniya kaya hindi ko mapigilang hindi mapairap.
"Okay lang ako, may iba pa ba silang pinapasabi?", sabi ko nalang at may itinuro naman ito kaya napalingon ako sa may mesa. May box doon kaya naman tumayo ako saka lumapit dito.
"Iyan daw ang susuotin mo para mamaya. Ipapakilala ka na nila mamaya sa mga tauhan ng mga Allejos after dinner. Tawagan mo nalang kami sa may baba para maayusan ka ni Carlota.", turan ni Nena kaya napatango nalang ako.
As if naman may say pa ako sa mangyayari about dito. Masyado silang excited about sa pagpapakilala sa akin, ni hindi na nga nila ito ipinagpabukas pa. I mean, malalaman at malalaman din naman ito ng lahat. So I think the sooner, the better? Dapat nga pala sabihan ko na si Aki bago pa niya malaman sa iba, baka magtampo iyon. Maybe, I'll call her later.
"Yuhoo, Gayle? Nakatulala ka nalang diyan, sure ka bang okay ka lang talaga? Baka bigla ka nalang bumulagta riyan ah.", napabaling nalang uli ako kay Nena nang magsalita ulit ito kaya nginitian ko nalang ito.
"Ah, sige. Maliligo nalang ulit ako, Nena. Then I'll call you kung okay na ako.", sagot ko nalang sa kanya kaya napatango-tango. Parang hindi pa ito kontento sa sagot ko pero nagpaalam din ito kaya bumalik ako sa pagkakahiga sa kama saka nagpagulong-gulong.
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss' Cute Little Crush (TMBS#1)
Romance[Completed] This is the first book of the Mafia Boss Series! As they were going home from backbacking, Gayle and her friend didn't expected something wrong to happen that would lead them into living in the same roof of a mafia boss! Will they'll be...