Kabanata 15 - Gayle Uchika Diaz
We were silent while riding the elevator. Akala ko ay susunod sina Faison para may makausap ako pero hindi.
"Do you have some spare clothes? Gusto ko sanang magbihis.", sabi ko kaya napalingon ito sa akin.
"I'll ask someone.", sagot niya kaya tumango ako.
"The next time that I am acting up don't come near me or even call my name.", sabi niya kaya naman tumango nalang ako.
Iniwan niya na naman ako kaagad sa opisina niya. Nakipagtitigan lang ako sa kisame nang may kumatok. Napatingin naman ako dito at nakitang si Lander ito at may dala-dalang paper bag.
"Damit niyo po, kamahalan.", sabi niya kaya tumayo naman ako saka kinuha iyong paper bag. Sobrang laki nung shirt at sweat pants but it's still doable so bahala na.
"Kanino 'to?", tanong ko sa kanya pagkalabas ko ng banyo.
"Syempre sa mahal na hari.", sagot niya kaya hindi ko mapigilang hindi mapairap.
"But you did back there was really dangerous, Gayle ah. Iyong huling beses na may tumawag at lumapit while he's acting sa kanya niya ibinato iyong gamit na hawak niya.", napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya.
"I know, sadyang nasasayangan lang ako sa kotse niya.", sagot ko kaya napailing naman ito.
"He can afford thousands of those, Gayle.", aniya kaya napasimangot nalang ako.
"Oo na nga lang, pero hindi na kami uuwi mamaya?", tanong ko sa kanya at tumango naman siya.
"Oo, since bukas na rin naman iyong ball. Baka pagkatapos ng ball saka tayo uuwi sa fortress.", tumango naman ako sa sinabi niya.
"Pupunta nga pala si Faison sa fortress baka may gusto kang ipasuyo.", naalala ko naman si Aki.
"Ay si Aki nga pala can you buy something for her?", sabi saka hinanap ang purse ko.
"Donuts and Ice Cream. Or if you can, Jolibee.", dagdag ko at naglabas ng pera pero umiling naman ito.
"No need, nagbigay na si boss.", sabi niya kaya napataas ang kilay ko. Ipabili ko kaya siya ng franchise ng Jolibee?
"And if may mahanap kayong Jolibee bilhan niyo rin ako.", naiisip ko pa lang ang chicken joy ay naglalaway na ako.
"Sure, iyon lang?", aniya kaya napatingin ako sa kanya.
"And damit nalang din pala. Just tell Aki na para lang mamaya at bukas so she won't overpacked.", sagot ko kaya tumango naman ito. May inabot naman ito.
"You can watch videos and such there, just don't do something personal like logging into an account. Naka-connect iyan sa tech department makikita nila lahat.", sabi niya kaya napangiwi naman ako.
"Okay, thank you for this!", nagpaalam na naman siyang aalis na kaya agad akong tumungo papunta sa kama.
In-open ko naman ang youtube saka nagsearch ng kanta. Alam niyo iyon iyong mga playlist na sing you to sleep. Minsan kasi effective iyon. Kalaunan nga ay inaantok na ako.
I could see that someone went inside pero hindi ko alam kung si Sol ba iyon. Sinirado ko kasi ang pinto pero mahahalata mong may tao sa labas. Bahala nga sila riyan.
* * *
Natigilan naman ako nang tila ba hindi ako makagalaw. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko magawa. Iminulat ko naman ang mga mata at nagulat nalang ako nang ma-realize kong nakatali ako.
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss' Cute Little Crush (TMBS#1)
Romantizm[Completed] This is the first book of the Mafia Boss Series! As they were going home from backbacking, Gayle and her friend didn't expected something wrong to happen that would lead them into living in the same roof of a mafia boss! Will they'll be...