Kabanata 20

547 15 0
                                    

Kabanata 20 - Gayle Uchika Diaz

A week later. . . .

Dahan-dahan ko namang iminulat ang mga mata ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Ilang oras ba akong natulog? I could heard people talking. Nandito kaya si Aki? Si Sol?

"Sol?", tawag ko kay Sol kaya natahimik iyong mga nag-uusap.

"Oh my gosh! Gayle? Gising na si Gayle!", sigaw ni Aki kaya narinig ko nalang na bumukas ang pinto saka may mga may pumasok. Tiningnan ko naman kung sino ang mga ito.

"Faison! Lander! Saka Cairo!", tawag ko sa kanila kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Napatingin naman ako sa may pinto at nandun nakatayo dun si Luigi na kumaway lang sa akin. Inilibot ko naman ang tingin at nakitang may lalaking katabi si Aki.

"He looks familiar.", sabi ko kaya nagtinginan ang mga kasama ko sa kwarto. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makilala ko na kung sino ito.

"Dylan!", tawag ko dito kaya lumapit naman ito.

"It was nice seeing you awake, Gayle.", sambit niya saka ako niyakap kaya napatingin naman ako kina Cairo at isa-isa rin naman nila akong niyakap. Napalingon naman ako kay Aki na ngayon ay humahagulhol na.

"Akihira naman, gising ako oh hindi patay. Makaiyak naman ito.", sabi ko kaya lumapit ito sa akin saka ako niyakap.

"Ilang oras ba akong tulog?", tanong ko sa kanila kaya napatigil silang lahat.

"Days?", tanong ko ulit kaya napatingin si Lander sa akin.

"1 month kang walang malay, Gayle.", balita niya sa akin kaya napanganga ako. Ganun ba kalala ang pangbugbog nung lalaking may saltik para mawalan ako ng malay for a month?

* * *

Gabi na pero hindi pa rin nagpaparamdam si Sol. Is he really that busy? Kunsabagay, ang dami-dami na niyang iniisip tapos dadagdag ako. Pansin ko ring iniiwasan nilang banggitin kaya hinayaan ko nalang.

Matapos ang tatlong araw ay pina-discharged na rin kami ng doctor. Nasabi na rin sa akin ni Akihira na binigyan kami ni Sol ng mapagtitirhan kaya um-okay nalang din ako. Sino ba ako para magreklamo, hindi ba?

Pansin ko rin ang closeness nina Dylan at Aki pero hindi ko pinakialaman. Baka sabihin nilang bitter ako. Sa isang high-end apartment building iyong titirhan namin. Tig-isa kami ng apartment ni Aki kahit sinabihan na naman daw ni Aki si Sol na okay lang na mag-share kami.

Nag-iisip na rin kaming dalawa ni Aki kung anong pwedeng pagkakitaan. Sabi ni Aki ay binigyan raw ako ni Sol ng 100 million for compensation after what happened to me. Sa tingin ko talaga ay sinisisi niya ang sarili which is not reasonable at all.

Gustuhin ko man siyang makita ulit pero ayoko namang mamilit. Napaisip nalang tuloy ako ng gagawin dahil sa napagpasyahan naman din namin na h'wag na bumalik sa mga trabaho namin. Parehas naman kaming dalawa ni Aki na business major during college so walang problema regarding sa business terms and such. Ang problema nga lang ay wala kaming maisip na business.

* * *

After a week ay ipinaalam nina Aki at Dylan sa akin na sila na nga and I am very happy for them. Kagaya nga rin ng pangako ni Deej ay binisita niya kami dito. Binigyan niya kami ni Aki ng coffee maker machine eh hindi nga ako nainom ng kape.

Babawiin niya pa sana iyong akin para palitan pero sabi ay okay lang para may ipang-display ako. Kasama niya rin si Jason sa pagbisita at nagbigay naman ito ng isang set ng utensils. Biniro pa siya ni Aki na sana air fryer nalang daw sana pero kinurot ko ito kaya nanahimik din.

The Mafia Boss' Cute Little Crush (TMBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon