Chapter 21
Gayle Uchika Diaz
"Ilang beses na ring may nag-claim na sila ang anak ni Papa. May mga sari-sariling kwento rin silang sinabi and for the first time, your story seems to be true.", sabi ni Klint kaya napailing naman ako.
"It's not just seems to be true, it is the truth.", panggigiit ko sa kanya kaya naman napailing ito. Tinikman ko naman iyong iilang cookies at ang sasarap nilang lahat!
"Sino iyong cook niyo dito?", tanong ko sa kanya jaya parang nagtataka ako nitong tiningnan. Weird bang magtanong kung sino iyong cook nila?
"Si Carlota ang cook namin, why?", sagot niya kaya napalingon naman ako sa banda kung saan pumunta si Carlota kanina.
"Ah, magtatanong lang sana kung anong recipe niya.", sagot ko naman sa kanya kaya napatawa ito.
"Hindi ba dito nakatira ang Don?", umiling naman siya.
"He's on the other one.", sabi niya kaya napaisip ako.
"May ibang bahay pa dito?", tanong ko sa kanya.
"You didn't see it?", umiling naman ako.
"Come here.", sabi niya kaya sinundan ko ito at may itinuro naman siya. Napanganga naman ako nang makita ko iyong building na sinasabi niya.
"Nandiyan halos lahat ng tauhan namin kaya kung sakali mang may mangyari ay matutulungan siya kaagad.", napatango naman ako.
"Mas malawak at mas matayog pa ata iyan sa headquarters ng Morris.", sabi ko kaya napatingin ito sa akin.
"Or course, it is. That has 54 floors. 4 floors underground.", napatango naman ako. Ang angas naman.
"For the next 3-4 days ay didito ka muna. And if you're doubting us with regards to your safety. Don't worry, ligtas ka dito. Saka we won't hurt you lalo na at mukhang close kayo ng head ng Morris.", aniya kaya napangiwi ako. Nag-ring naman iyong cellphone niya kaya tumayo naman ito.
"Pwedeng makita ang kitchen?", tanong ko at tumango naman siya.
Hindi naman mukhang strict si Klinton pero hindi rin naman ito mukhang palabiro. At least hindi siya suplado. Hinayaan ko nalang siyang sagutin ang tumawag sa ka kanya. Tumayo nalang ako saka tumungo sa kung saan nanggaling si Carlota kanina hanggang sa makarating nga ako sa kusina nila.
"Wow.", iyan nalang ang masasabi sa sobrang ganda at lawak ng kitchen nila.
"May kailangan ka po, Ma'am?", tanong sa akin ni Carlota na bigla-bigla nalang lumitaw. Feeling ko tuloy kamuntikan na akong atakehin sa puso.
"Ah, magtatanong lang sana ako about the cookies. I am interested into baking kasi.", explain ko sa kanya at tumango naman ito.
"Ah, oo nga. I heard you want to ask me about the recipe.", nilatag niya naman ang parang notebook niya na may title na 'Cookie Haven'. Kukunin ko na sana ang notebook pero inilayo niya ito sa akin.
"10 million pesos per recipe.", napanganga naman ako dahil sa sinabi niya.
"Uy, grabe ka. Libre nga lang sa internet.", sabi ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss' Cute Little Crush (TMBS#1)
Romance[Completed] This is the first book of the Mafia Boss Series! As they were going home from backbacking, Gayle and her friend didn't expected something wrong to happen that would lead them into living in the same roof of a mafia boss! Will they'll be...