Epilogue

329 13 0
                                    

Epilogue

Faison's Point of View

Matagal kaming nakalabas sa building dahil na rin sa sobrang dami namin sa loob. Sinalubong pa kami ni Pavel sa labas at mukhang nagtataka pa ito nang makitang ako ang may karga-karga kay Gayle.

Agad din naman kaming tinulungan nung iba naming kasamahan para maisakay na sa kotse sina Lander dahil mukhang malulubha ang tama ng mga ito lalo na si Deej.

Habang si Isaac naman ang siyang nag-presinta na siya na raw ang magdadala kay Gayle at Akihira sa headquarters. May mga nakaantabay na naman daw roon na mga medic kaya doon nalang daw nila ito dadalhin.

May mga lumapit pa sa amin na mga kasamahan ni Klient at nagsasabing kung pwede ay sasama ang mga ito sa mga kasamahan namin na magdadala kay Gayle patungo sa headquarters. We just told them it's fine dahil alam namin na priority rin ng mga ito ang kaligtasan ni Gayle. Muli rin naman kaming kinausap ni Pavel.

"Nasaan si boss? Mukhang wala rin si Luigi ah.", aniya kaya nagsipagpalitan naman kami ng tingin nina Jason.

"Nasa loob, may bomba kasing nakita itong si Cairo.", sagot ni Jason kay Pavel.

"Sigurado ka bang bomba talaga iyon? Ilang minuto na nga ang natitira nun kanina?", aniya pa saka lumingon kay Cairo. Napansin ko namang tila ba naging aligaga nalang bigla si Pavel.

"5 minutes, eh halos inabot tayo ng sampong minuto sa loob habang palabas tayo ah. Baka natigil nina boss ang timer?", sagot ni Cairo kaya kahit ako ay nagtaka rin.

Baka nga, o baka hindi talaga iyon totoong bomba at panloloko lang talaga iyon ng tatlo. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang naloko kami ni Dylan. Hindi ko alam kung kanino ako mag-aalala, kay boss ba na siyang kapatid nito o kay Akihira? Kahit siguro si Gayle ay paniguradong nasaktan din nang malaman na traydor ito.

"Kasama niya si Luigi, hindi ba? Baka nagawan nila ng paraan.", sambit ni Pavel at tumango naman kami. Baka nga, saka sabi nga ni Cairo ay limang minuto nalang ang oras na natitira nun kaya dapat ay kanina pa ito sumabog.

"Baka natigil nga nila.", ani ko nalang at makalipas lang din ang iilang minuto ay nakita namin sina boss na palabas ng building.

Unscathed but he seems annoyed. Nagsitinginan nalang tuloy kami sa isa't-isa habang naglalakad ito papalapit sa amin. Kahit iyong ibang kasamahan namin na nag-uusap sa tabi-tabi ay napatahimik.

"Where's Gayle?", tanong nito sa akin kaya napalunok naman ako.

"Dinala na po nila kasabay ni Akihira kanina papunta sa headquarters natin, boss.", sagot ko at tumango naman ito saka kami nilagpasan. Nakita naman sa 'di kalayuan si Luigi at Klient. Napataas naman ang kilay ko nang makita ko kung sino iyong nakasunod sa kanila.

"Hindi ba isa iyan sa tauhan mo?", tanong ko kay Pavel at tumango naman ito.

"Oo, si Delfin.", sagot niya at napangiwi naman ako nang mapansin kong mukhang maga ang kanang pisngi nito.

"Anong nangyari? Peke iyong bomba?", agarang tanong ni Pavel nang makalapit na sila sa amin.

"Nah, it was authentic.", si Klient ang sumagot habang napapailing nalang na sinusulyapan iyong si Delfin.

"Eh papaanong hindi sumabog?", tanong naman ni Jason at napansin naman namin parang nagpipigil ng tawa si Luigi.

"Akala nga namin masasama na kami sa pagsabog. Eh itong si Delfin nasa sa kanya lang pala iyong detonator.", napanganga naman kaming lahat dahil sa sinabi ni Luigi.

"Ayan tuloy nasuntok pa siya ni Sol kasi hindi niya sinabi agad-agad.", dagdag pa nito.

"Eh sa hindi ko napansin na nasama pala iyong detonator sa mga baril na napulot ko kanina habang nakasunod kay boss. Buti nga napulot ko eh.", parang bata pang reklamo pa nito kaya napailing nalang din ako.

The Mafia Boss' Cute Little Crush (TMBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon