Kabanata 05

702 14 1
                                    

Kabanata 05 - Gayle Uchika Diaz

Pagkabalik ko naman sa kwarto ay gising na si Aki. Kakwentuhan niya si Lander at talagang tuwang-tuwa ito. Akala mo naman talaga ilang taon na silang magkakilala eh.

"Maliligo na muna ako.", paalam ko sa kanila but they just ignored me. Like talagang hindi nila ako pinansin? Wow, ang sakit nun ah. Bago pa man ako mag-drama ay kumuha na ako ng masusuot saka towel at pumasok sa banyo.

Maganda sana mag-bath tub ngayon pero ayokong magahol ako sa oras. I spent almost an hour there bago ako natapos. Baka pawisin ako ngayon since the 'boss' will test my skills.

"Nasabi sa akin ni Lander iyong about sa event, are you gonna be okay?", tanong ni Aki sa akin nang makalabas ako sa banyo pero sinamaan ko lang ito ng tingin. Parang kanina lang hindi ako pinansin eh.

"Para kang timang.", aniya kaya inirapan ko lang ito saka lumapit at umupo sa sofa.

"Of course, I'm gonna be fine.", sagot ko sa kanya saka siya nginisihan. Binato niya naman ako ng isang rolyo ng tissue.

"He said that he'll compensate me 10 million pesos after the event.", sabi ko sa kanya kaya naman nanlaki ang mga mata nito.

"Tinanggap mo naman? Oh my gosh! Once na bumalik tayo, ikaw magbayad ng bills natin sa apartment for a year ah.", hinampas ko naman ito sa braso.

"I turned it down. Nakakahiya uy.", ani ko kaya napanganga naman ito. It seems like her brain is not registering what I have said.

"T*ng*na, Gayle Uchika Diaz! Sayang iyon ah, saka anong hiya? Tama lang iyon uy, what if matigok ka? Paano na ako?", kung kaya lang buhatin itong sofa ay nabato ko na ito sa kanya.

"Pero sabi niya 10 million talaga iyong ibibigay niya. No buts.", sabi ko na naman kaya bigla na naman ulit sumigla ang mukha nito. Ang sarap sampalin eh. May kumatok naman sa pinto at pumasok naman si Deej na may tray na pagkain.

"Good morning, Deej!", bati ni Aki sa kanya. Bumati rin naman siya pabalik.

"Thank you.", pasasalamat ko nang mailapag niya na ang pagkain.

"You're always welcome, ladies. Happy eating!", masiglang sambit nito kaya hindi namin mapigilan ni Aki na hindi matawa.

Matapos naming kumain ay nagpahinga muna ako saglit saka nagsimulang mag-stretching.

"Yah! Hindi ka magbibihis?",  tanong ni Aki kaya napatingin naman ako sa suot. What wrong with jogging pants and sweatshirt? Okay lang naman ah?

"Mag-leggings kay uy! Makakasipa ka niyan? O hindi kaya sweat pants. Iyong T-shirts mo ang pangit!", aniya pa kaya inirapan ko ito saka hindi ito pinansin.

* * *

Solistaire Achilles Morris

Saktong alas 9 ay may kumatok na sa pinto. Tumingin naman ako dito nang bumukas ang pinto. She's now wearing a leggings and pairing with a sports bra and some jacket.

I blinked a lot of times since I didn't expect her to wear something like this but she looks good. I can even see her toned abs so she must have been exercising regularly.

"We're gonna do some physical activities, right? Or do you want me to change?", she said so I stand up from my seat.

"No, that's fine. It's good, let's go to the training room then.", sabi ko at tumango naman ito. Palabas na ito nang makasalubong nito sina Faison.

"Woah! I love the abs, Gayle.", rinig kong sabi ni Lander na nasundan ng hampas. Sinundan ko naman ito sa labas.

"Shoo!", sabi niya sa kanila at agad din naman silang dalawa ni Faison umaatras nang makita ako.

"Sa training ground kayo, boss?", tanong ni Lander kaya tumango ako.

"Follow me.", utos ko kay Gayle at naramdam ko namang sumunod din ito sa akin. I could also hear the footsteps of Faison and Lander.

Pagkarating naman sa elevator ay agad ko din namang pinindot ang floor kung saang floor ang training ground. Narinig ko namang nagsalita si Gayle.

"21 floors 'to? Anong floor tayo?", tanong niya kaya bahagya akong lumingon kina Faison para tanguan sila.

"Nasa 20th floor tayo, Gayle.", sagot ni Faison bumukas naman ang pinto ng elevator kaya pumasok na kami.

"What about the 21st floor? Ganito rin ba?", tanong ulit nito.

"Kay boss na iyong 21st floor, buong floor kanya.", I could see her reflection in wall that she's looking at me.

She really isn't scared of me. Kadalasan man may babaeng lumalapit sa akin they may try to touch me but they never dare to look at me like that directly.

They may know me as a kind person but they also know what I could do to them if they act recklessly around me. The elevator opened its doors and then we walk through the hallway and then we've reached the training ground.

"Are they aware that I'm gonna use the training ground today?", tanong ko kina Faison nang makita kong marami-rami pa rin ang nagt-training.

Most of them are too engrossed with what they're doing kaya hindi nila kami napansin. Habang iyong ibang nakakita ay agad-agad na yumukod saka dali-daling umalis nang makita nila ako.

Pumalakpak naman si Faison para kunin ang atensyon nilang lahat. Pagkakita nila sa akin yumukod na muna ang mga ito saka isa-isang nagsialisan. Sinulyapan ko naman si Gayle na tahimik na nagmamasid.

I couldn't read her reaction. Hindi ko tuloy alam if she finds this weird.

* * *

Gayle Uchika Diaz

Kahit pala talaga halatang mabait itong si Sol ay halatang takot pa rin iyong mga tauhan nila sa kanya. May iilang hindi pinahalatang hindi sila naapektuhan ng presensya nito but I could see the panic and hint of fear in their eyes.

Nagw-wonder tuloy ako kung anong kinatatakukan nila. Is it because they know na kaya niyang patayin sila if gusto niya? Or because of his status? Wala naman kasing katakot-takot sa itsura ni Solistaire ngayon.

Except for the fact that his body is twice bigger than mine at halos hanggang balikat niya lang ako. This man is enormous. 5'6 na ako kaya talagang alam kong sobrang tangkad niya. Kaya siguro natakot si Aki sa kanya kasi hindi niya abot ang balikat nito. She's just around 5'0 to 5'1.

"Let's start.", anunsyo naman nito kaya tumingin ako kina Faison. Ininguso naman nila iyong parang ground.

Anong gagawin?

"You'll be sparing with me, Miss Diaz.", aniya kaya napakurap-kurap ako. Is he even serious? Nauna na itong naglakad papunta sa may ground. Tinapik naman ni Lander ang balikat ko.

"Good luck, our dear friend.", aniya habang may kakaibang ekspresyon sa mukha. Ang sarap niya tuloy hambalusin. Habang si Faison ay tinanguan lang ako.

Naglakad naman ako papunta kay Sol habang tinatali ang buhok ko. Ramdam na ramdam ng kalamnan ko ang mga titig niya. Sinalubong ko naman ang mga mata nito. There's a hint of emotion that I couldn't name of. We positioned ourselves.

Huminga naman ako nang malalim. Matagal na rin nung huli kong gawin ito. Sana nga lang at hindi pa pumurol ang mga galaw ko.

The Mafia Boss' Cute Little Crush (TMBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon